top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | Mar. 31, 2025



Photo File: PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo - Philipiine National Police


May 11 election-related incidents na ang na-validate ng Philippine National Police (PNP) mula nang magsimula ang kampanya kaugnay ng May 12 midterm elections.


Sa panayam sa radyo, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na hanggang nitong Marso 28, may 39 hinihinalang election-related incidents ang kanilang naitala.


Sa bilang na ito, 11 ang validated na election-related incidents, habang 23 ang validated na walang kinalaman sa eleksyon.


Sa 11 validated election-related incidents na ito, 5 ang sumasailalim sa preliminary investigation habang ang 6 ay isinasailalim sa case build-up.


Aminado si Fajardo na mas mainit ang eleksyon sa lokal kaya patuloy aniya silang magbabantay.

 
 

ni Angela Fernando @News | July 12, 2024



Sports News

Ipinawalang-bisa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iminungkahing batas na magre-reorganisa sa Philippine National Police (PNP) dahil sa mga probisyong hindi tugma sa mga patakaran at layunin ng kanyang administrasyon.


“While - this administration recognizes the laudable objectives of the bill, I cannot approve it because the provisions run counter to administrative policy and efficiency,” saad ni Marcos.


Binigyang-diin din ng Presidente na nais niyang masiguro na maghahatid ito ng kinakailangang mga reporma, sumusunod sa mga batas ng civil service, mga patakaran sa standardisasyon ng sahod, at mga schedule ng base pay.


Nilalayon ng panukalang amyendahan ang Republic Act No. 8551, o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998, at ang RA 6975, o ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Act of 1990.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 7, 2024




Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa ngayong puganteng televangelist na si Apollo Quiboloy na sumuko na sa mga otoridad.


Siniguro ni Police Maj. Catherine Dela Rey, tagapagsalita ng Police Region XI, na magiging ligtas at protektado si Quiboloy sa pangangalaga ng pulisya.


Nilinaw ni Dela Rey na ang mga kasong hinaharap ni Quiboloy para sa mga alegasyon ng sekswal na pang-aabuso at pang-aabuso sa bata ay maaaring piyansahan ng halagang P200k at P80k.


Matatandaang ang limang kasama ng televangelist na mga akusado ay nag-surender na sa PNP at sa National Bureau of Investigation. Sila ay pinalaya matapos magpiyansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page