ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021
Patay ang 12 katao matapos ang insidente ng military plane crash sa central region ng Myanmar noong Huwebes.
May lulan na 6 crew ang naturang eroplano at 8 pasahero nang mag-crash ito sa Pyin Oo Lwin City dahil sa masamang panahon, ayon sa spokesperson ng military junta.
Naganap umano ang pag-crash ng eroplano nang magla-landing na ito sa Anisakhan Airport sa Pyin Oo Lwin.
Pahayag ni Spokesperson Zaw Min Tun, "It lost communications when it was 400 meters (1,300 feet) away from a steel factory near the airport.”
Samantala, na-rescue ang isang batang lalaki at isang military sergeant na parehong isinugod sa ospital habang ang iba pang sakay ng eroplano ay binawian ng buhay kabilang umano ang isang senior monk.