top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | September 4, 2020




Nakahanap ng rason ang mga hanggang ngayon ay umaasa pa ring magkakaroon ng part two ang relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion dahil sa balitang buntis daw ang aktres at ang aktor ang ama. May isa pang balita na ikakasal na raw ang dalawa, kaya lalong natuwa ang kanilang mga fans.


Kaya kahit itinanggi ni Sharon Cuneta ang balitang preggy at ikakasal si KC kay Piolo, ayaw maniwala ng mga fans at ipinagpipilitang nagkabalikan ang dalawa. In fact, “Mrs. Pascual” ang tawag nila kay KC at ‘yung nabanggit ni Piolo na pupunta siya ng South, inisip agad ng mga fans na susundan nito si KC na nasa The Farm pa rin sa San Benito, Lipa sa Batangas.


Galit tuloy kay BB Gandanghari ang mga fans dahil sa mga sinabi sa vlog nito tungkol sa nakaraan nila ni Piolo at inakusahang umeeksena ang dating si Rustom Padilla.


Samantala, sa interview kay KC ni G3 San Diego, nagkuwento ito sa naging relasyon nila ni Piolo. “It was very real for me. That was my first announced relationship. It was announced publicly so that’s why it also had to be announced publicly (their breakup).”


Naalala rin ni KC nang unang makita si Piolo nang bumisita sa shooting ng movie nila ni Richard Gutierrez na ang kaibigan nitong si Joyce Bernal ang director.


“Para siyang may halo. I remember that, para siyang may halo, para siyang may light.”


Sa tanong kay KC kung nagsisi siya nang i-announce ang breakup nila sa The Buzz, sagot niya, “I regret that we had to end. I think that in any relationship, you really had faith in it, right? And you go into it not thinking that you want to end it, you go thinking that you want it. So I think more than the interview, I mean on a personal level, you just regret that you have to end."

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 3, 2020



Sa kanyang Instagram page ay nilinaw ni Sharon Cuneta ang mga fake news na naglalabasan tungkol kay Piolo Pascual at sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.


Hindi na idinetalye ni Sharon kung anu-ano ang fake news na ‘yun at aniya, hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari.


“So much fake news coming out... Lots of stuff has been coming out on several socmed platforms about this boy, my eldest, me. All lies. I DO NOT KNOW WHAT IS OR HAS BEEN GOING ON. NO ONE TELLS ME, & I DON’T ASK.


“But I’ll tell you one thing that is TRUE. God knows I love PJ. We have become friends over the years, talked about life & work. His son Iñigo has been nothing but respectful & sweet to me. I do not & will not have a problem with Piolo at all in any area of my life or in our family. I love you, PJ. Thank you for your love, respect, & friendship. God bless you always!” ang pahayag ni Sharon.


Sa comments section ay sinabi ng isang netizen ang fake news na buntis daw si KC at pakakasal na kay Piolo.


“Me fake news daw na she's preggy and getting married to pj and the comment section is off on YouTube, takot ma-bash,” komento ng netizen.


Isang “hahaha” lang ang reaksiyon ni Sharon dito.


May isang netizen naman ang nagtanong, “How true po na ikakasal daw sila?! Madami news sa social media!”


Sagot ni Sharon, “Wala din akong kaalam-alam. As God is my witness.”


Sa pagkakaalam namin, nagsimulang uminit na naman ang Piolo-KC romance nang mapag-usapan ang aktor sa interview ng dalaga kay G3 San Diego last Monday.


Ayon kasi kay KC, may regrets siya na hindi nagtagal ang relasyon nila ni Piolo.


“I regret that we had to end. I think that in any relationship, you really have faith in it and you go into it not thinking that you want to end it. You go into it thinking that you want it,” ang pahayag ni KC sa panayam niya with G3.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page