ni Lolet Abania | August 18, 2021
Nakararanas ng matataas na volcanic smog o vog ang maraming lugar sa Luzon matapos na magbuga ng sulfur dioxide (SO2) ang dalawang nag-aalburotong bulkan, ang Taal Volcano at ang submarine volcano na Fukutoku-Okanoba ng Japan, ayon sa Department of Science and Technology - Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS).
Patuloy na naglalabas ng SO2 ang dalawang bulkan habang nananatiling madilim ang paligid dahil sa maitim at hazy ang hangin, kung saan magdudulot ito ng masamang epekto sa kalusugan.
Ang mga lugar na nakararanas ng vog ay Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet kabilang na ang Baguio City, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon.
Pinapayuhan naman ang publiko na manatili na lamang sa loob ng bahay para maiwasan ang masamang epekto ng vog.