ni Lolet Abania | January 22, 2021
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Occidental ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, ito ay aftershock matapos ang pagyanig ng magnitude 7.1 na lindol sa nasabing lugar kagabi.
Isang tectonic ang lindol na tumama sa Jose Abad Santos ng alas-6:45 ng gabi ngayong araw na may lalim na 114 kilometro.
Wala namang naitalang pinsala matapos ang lindol.
Patuloy na pinapayuhan ng ahensiya ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa anumang oras.