ni Jasmin Joy Evangelista | March 29, 2022
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Ilocos Norte nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay limang kilometro sa hilagang kanluran ng Bacarra, Ilocos Norte at naganap eksaktong 7:10 p.m.
Ayon sa ahensiya, naramdaman ang Intensity IV sa Bacarra at Pasuquin, Ilocos Norte.
Naramdaman din ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
* Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte
* Intensity II – Laoag City
* Intensity I – Sinait, Ilocos Sur
Ayon sa Phivolcs, ang naturang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 25 km.
Samantala, wala namang naitalang pinsala at inaasahan din ang mga aftershocks.