top of page
Search

ni Lolet Abania | April 9, 2022



Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Sabado ang alert level ng Bulkang Taal sa Batangas mula sa Alert Level 3 (magmatic unrest) ay inilagay sa Alert Level 2 (decreased unrest).


“Following the phreatomagmatic eruption of the Main Crater on 26 March 2022 and six (6) weak phreatomagmatic bursts until 31 March 2022, unrest at Taal Volcano has markedly declined,” pahayag ng PHIVOLCS.


“Activity in the past two weeks has been characterized by a significant drop in volcanic degassing from the Main Crater and in the incidence of volcanic earthquakes,” dagdag ng kagawaran.


Ayon sa PHIVOLCS, nasa 86 volcanic earthquakes na lamang na may mabababang magnitude at hindi gaanong ramdam ang nai-record simula noong Marso 26.


“These consist of 26 volcanic tremors, 59 low-frequency volcanic earthquakes and 1 volcano-tectonic event, most of which occurred 0-7 kilometers beneath the Main Crater and the eastern sector of Taal Volcano Island or TVI,” saad nito.


Sinabi rin ng PHIVOLCS na karamihan sa naitalang pagyanig ay dahil anila, “volcanic degassing from the shallow magma and hydrothermal region beneath the TVI edifice. Background tremor associated with shallow hydrothermal activity ceased on 31 March.”


“There has been no recorded seismic activity related to new magmatic intrusions from Taal's deeper magma source since unrest began last year,” saad pa ng PHIVOLCS.


 
 

ni Lolet Abania | April 8, 2022



Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Batanes Islands ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Sa ulat ng PHIVOLCS, alas-7:36 ng umaga naitala ang lindol na tectonic at may lalim o depth of focus na 15 kilometro, habang ang epicenter nito ay nasa layong 118 km kanluran ng Itbayat, Batanes.


Ayon sa PHIVOLCS, naitala rin ang Intensity II na naramdaman sa Basco, Batanes.


Wala namang nai-report na napinsala sa lugar subalit asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol, pahayag pa ng PHIVOLCS.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 4, 2022



Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Surigao del Sur nitong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Ang naturang tectonic quake ay tumama 49 kilometro silangan ng bayan ng Bayabas bandang 6:42 p.m. May lalim itong 45 kilometro.


Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity III sa Rosario, Agusan Del Sur.


Naitala rin ang mga sumusunod na intensities:


Intensity II


-Surigao City, Surigao del Norte


Intensity I


-Bislig City, Surigao del Sur

- Abuyog, Leyte

-Hilongos, Leyte


Wala namang naitalang pinsala, ayon sa Phivolcs, ngunit posibleng makaranas ng aftershocks.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page