ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 5, 2021
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Vinzons, Camarines Norte ngayong Biyernes, alas-6:00 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa inisyal na ulat, tumama ang lindol sa 24 kilometers (kms) northeast ng Tinaga Island sa Vinzons, Camarines Norte at may lalim na 1 km.
Naramdaman din ang Intensity IV sa Capalonga at Jose Panganiban, Camarines Norte at ang Intensity III sa Guinayangan, Quezon.
Naitala naman ang Intensity II sa Goa at Naga City, Camarines Sur at Calauag, Quezon at ang Intensity I sa Cainta, Rizal; Marikina City at Pasig City, Metro Manila; at San Rafael, Bulacan. Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng aftershocks.