top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | September 27, 2023




Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Balut Island sa Davao Occidental kahapon ng umaga.


Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Sarangani alas-9:39 ng umaga.


Walang naitalang pinsala sa naganap na malakas na lindol subalit aasahan ang posibleng aftershocks.


Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang naganap na lindol o sanhi ng paggalaw ng aktibong fault sa lugar.


Pinapayuhan ang mga residente sa Balut Island na maging alerto sa mga posibleng aftershocks.



 
 

ni Mai Ancheta @News | August 27, 2023




Nakaranas ng malakas na pagyanig ang mga mamamayan ng South Cotabato na umabot sa magnitude 5 na lindol nitong Sabado ng madaling-araw.


Batay sa report ng Phivolcs, naitala ang pagyanig na tectonic origin alas-3:13 ng madaling-araw, dalawang kilometro ang layo sa bayan ng Surallah.


Naunang ini-report ng Phivolcs sa lakas na 5.5 magnitude ang lindol subalit kalaunan ay ibinaba ito sa 5.0 magnitude.


Dahil sa lakas ng pagyanig, naramdaman ito sa mga bayan ng Tupi, Banga, Polomolok, General Santos City, Kiamba at Maasim sa Sarangani sa lakas na intensity 4.


Naitala naman sa lakas na intensity 3 ang lindol sa mga bayan ng Alabel, Malungon, Malapatan, at Maitum sa Sarangani.


Wala pang ulat kung nagdulot ng pinsala sa South Cotabato ang malakas na pagyanig.


Nagbabala ang Phivolcs ng posibleng aftershocks sanhi ng malakas na paglindol.



 
 
  • BULGAR
  • Aug 14, 2023

ni Mai Ancheta @News | August 14, 2023




Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Sabtang, Batanes nitong Linggo ng umaga.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol alas-9:30 ng umaga.


Naramdaman ang intensity 5 sa bayan ng Sabtang habang intensity 4 naman sa Basco, Mahatao, Ivana at Uyugan, at intensity 3 naman sa Itbayat.


Walang impormasyon ang Phivolcs na nagdulot ng pinsala ang malakas na lindol subalit aasahan ang mga aftershock.


Naunang ini-report ng ahensya na 5.7 magnitude ang lindol subalit kalaunan ay nilinaw na nasa 5.4 magnitude lamang ito.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page