ni Angela Fernando - Trainee @News | October 31, 2023
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagtaas sa bilang ng mga pagyanig ng bulkang Taal sa nakaraang 24 oras.
Iniulat ngayon ng Phivolcs ang 79 pagyanig ng bulkan na tumagal ng dalawa hanggang limang minuto, na mas marami kaysa sa 11 na lindol nu'ng nakaraang araw.
Saad nila, ang paglabas ng sulfur dioxide (SO2) ay may average na 7,084 tonelada bawat araw nu'ng Oktubre 29 dahil sa patuloy na pag-akyat ng mainit na likido mula sa bulkan sa mga lawa ng Taal.
Ang Taal ay nananatiling nasa Alert level 1 ngunit nagbabala na rin sila sa publiko.