top of page
Search

ni Lolet Abania | May 19, 2022



Umabot sa mahigit 10 milyon na Philippine Identification (PhilID) cards ang nai-deliver na sa buong bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).


Sinabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, nasa 10,548,906 cards o 33.7 percent ng target ngayong taon ay nai-distribute na hanggang Abril 30. “PSA recognizes this milestone as an outcome of our collective efforts with partner agencies and the field offices involved in producing and delivering PhilID cards to our registrants nationwide,” pahayag ni Mapa sa isang statement.


“We are determined to continue to put forth initiatives that will accelerate PhilSys operations across all sectors,” he added. Ayon sa PSA, ang ikatlong step ng PhilSys registration ay ang delivery ng PhilID cards sa mga registrants sa pakikipagtulungan ng Philippine Postal Corporation (Post Office).


Sinabi naman ng ahensiya na katuwang din ang mga field offices para mag-assist sa pagde-deliver ng PhilIDs sa mga registrants na matatagpuan sa mga remote areas sa buong bansa. Kaugnay nito, ang authenticity ng isang PhilID card at ang impormasyon na nilalaman ng QR code ay maaari na ngayong beripikahin sa pamamagitan ng bagong inilunsad na PhilSys Check.


“It is also working on the PhilSys mobile application, which is the digital version of the PhilID that can be used in public and private transactions ahead of the physical ID card,” pahayag pa ng PSA.


“We anticipate for more Filipinos to receive their PhilIDs. Simultaneously, PSA will continue to bring forward PhilSys services to make government and private services easily and conveniently accessible to the public,” sabi pa ni Assistant Secretary Rosalinda Bautista, Deputy National Statistician ng PhilSys Registry Office.


 
 

ni Lolet Abania | February 16, 2022




Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order para gawing institutionalize o institusyonal na ang pagtanggap ng Philippine Identification System (PhilSys) ID o National ID bilang “sufficient proof” o sapat na katibayan ng pagkakilanlan at edad sa lahat ng pribado at mga transaksyon sa gobyerno.


Sa ilalim ng Executive Order 162 ni Pangulong Duterte nakasaad na ang PhilSys, “shall be the government’s central identification platform for all citizens and resident aliens of the country.”


“An individual’s record in the PhilSys shall be considered as sufficient proof of identity and age in all public and private transactions,” pagdidiin ng Punong Ehekutibo.


Ayon sa Pangulo ito ay kinakailangan, “to improve efficiency in the delivery of social services, strengthen financial inclusion and promote ease of doing business.”


Ang mga government transactions kung saan maaaring magamit ang national ID, kabilang na ang aplikasyon para sa marriage license, student driver’s permit, enrollment ng mga estudyante, at voter’s registration, at iba pa.


Ipinag-utos din ni Pangulong Duterte sa mga pribadong establisimyento na ipaalam sa publiko ang mga guidelines sa paggamit ng national ID o mga pagbabago sa mga identification requirements.


Tinatayang nasa 55 milyong Pilipino mula sa 109 milyong indibidwal ang naka-registered na sa ilalim ng national ID system.


Habang mayroong 6 milyong ID cards ang kanila nang nai-release sa ngayon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 11, 2021



Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko sa bansa at ang publiko na ang national ID ay sapat na bilang proof of identity para makapagbukas ng bank account ang isang indibidwal.


Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na malaking tulong ang ginawa ng Philippine Identification System (PhilSys) ID dahil mas maraming mga Pinoy, lalo na ang mga marginalized at low income na makapagsimula ng pag-iipon ng pera sa bangko.


“PhilSys will help more Filipinos, especially the marginalized and low-income, to begin saving money in banks and other financial institutions,” ani BSP Governor Benjamin Diokno.


Ayon pa kay Diokno, ang nasabing national ID ay tutulong sa mas malawak na pagbubukas ng transactions lalo na ang mga basic deposit accounts.


Dahil dito ay maaaring tanggapin ng mga bangko ang PhilSys ID kapag ipinresenta ito physically o sa mobile formats at ito ay tatanggapin nang hindi na kailangan ng iba pang ID.


Isa rin aniyang gamit ng nasabing PhilSys ay para mapabilis ang paglipat ng bansa sa digital economy.


Bilang foundational digital ID system, kinokonsidera ng BSP ang PhilSys bilang “game changer” para sa financial inclusion kung saan karamihan ng mga Pinoy ay magkakaroon na ng access sa mas malawak na financial services.


Samantala, as of October, ang bilang ng transaction accounts na nabuksan sa pamamagitan ng co-location ng PSA registration sites at Land Bank of the Philippines account opening facilities ay umabot na sa mahigit 5.9 million.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page