ni Lolet Abania | December 9, 2021
Ipinahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes na walang kaso ng Omicron COVID-19 variant na na-detect mula sa pinakabagong whole genome sequencing na kanilang isinagawa.
Ayon sa DOH, ang sequencing ng 48 samples mula sa 12 returning overseas Filipinos (ROFs) at 36 local cases mula sa mga lugar na may high-risk average daily attack rates at mga case clusters ay isinagawa sa University of the Philippines - Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines - National Institutes of Health (UP-NIH) nitong Miyerkules.
“Of the 48 samples sequenced, 38 (79.17%) Delta (B.1.617.2) variant cases; the rest had non-VOC (variant of concern) lineages or had no lineages detected,” batay sa statement ng DOH. Sa 38 Delta variant cases, 31 dito ay local cases at pito ay ROFs.
Dalawa sa ROFs ay naitalang may travel history mula sa Turkey at isa sa bawat ROF ay nanggaling sa Jordan, Mexico, Netherlands, Panama, at Peru. Sa 31 local cases naman, nai-record ang 6 kaso na nagbigay ng kanilang address sa Cagayan Valley Region, habang 5 cases mula sa Cordillera Administrative Region, 3 kaso bawat isa sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Soccskargen, at National Capital Region (NCR), 2 cases bawat isa sa Central Luzon at Calabarzon, at isang kaso mula sa Davao Region.
“Based on the case line list, one local case is still active, 27 local and all seven ROF cases have been tagged as recovered, and three local cases are currently being verified as to their outcomes. All other details are being validated by the regional and local health offices,” dagdag pa ng DOH.
Dahil sa dagdag na 38 bagong Delta variant cases kaya umabot na sa kabuuang 7,886 ang naitalang kaso.