top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | Dec. 23, 2024



Photo: US typhoon missile philippines - Citizens for National Security


Inihayag ng commanding general ng Philippine Army ngayong Lunes, na plano ng militar na kumuha ng US Typhon missile system upang protektahan ang mga interes nito sa karagatan, na sumasaklaw ang ilan sa mga lugar na inaangkin din ng China.


Inilagay ng US Army ang mid-range missile system sa hilagang bahagi ng Pilipinas nitong mas maagang bahagi ng taon para sa taunang joint military exercises kasama ang matagal nang kaalyado.


Nagpasya rin itong iwan doon sa kabila ng mga batikos ng Beijing na nagdudulot ito ng destabilization sa Asya. Mula noon, ginagamit na ito ng puwersang militar ng Pilipinas para magsanay sa operasyon nito.

 
 

ni Angela Fernando @News | Nov. 20, 2024



Photo: Mary Jane Veloso - Reuters photo


Wala pang pormal na kasunduan sa pagitan ng 'Pinas at Indonesia hinggil sa repatriation ng Pilipinang nasa death row na si Mary Jane Veloso, ayon sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules.


"If you mean may written agreement, wala pa yung sagot. Pero sila mismo ang pumunta sa atin to talk about this, so we’re extremely confident it will happen," saad ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa isang press briefing sa Malacañang.


Ito ay nagsilbing tugon ni De Vega bilang sa tanong kung pinal na ang pagbabalik ni Mary Jane Veloso sa bansa, na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kaninang umaga, dahil patuloy pa rin ang mga negosasyon ukol dito.


Sa parehong press briefing, nilinaw naman ni Justice spokesperson Mico Clavano na hinihintay pa ng bansa ang pormal na tugon ng gobyerno ng Indonesia sa kahilingan para sa repatriation ni Veloso.


Magugunitang nu'ng nakaraang linggo, sinabi ng Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction (Kemenko Kumham Imipas) ng Indonesia na kanilang isinasaalang-alang ang opsyon ng "transfer of prisoner" o paglilipat ng bilanggo para sa mga dayuhang nakapiit, kung saan kabilang si Veloso.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 7, 2024



News Photo

Nilagdaan ng 'Pinas at South Korea (SK) ang isang kasunduan na nagsusulong ng feasibility study para sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).


Naging saksi sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Pangulong Yoon Suk Yeol ng SK sa pagpresenta ng mga nilagdaang kasunduan sa pagbisita nila sa Palasyo ng Malacañang.


Patuloy na umaasa si Marcos kaugnay sa BNPP na matatandaang isang proyekto nu'ng panahon ng administrasyon ng kanyang yumaong ama, si Ferdinand Marcos Sr., na ipinagpaliban nang mahigit tatlong dekada.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page