ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 8, 2021
Pumalo na sa 8.7% ang unemployment rate sa bansa matapos makapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 4.14 million Pinoy na walang trabaho noong buwan ng Abril.
Mas tumaas ang bilang ng mga walang hanapbuhay noong Abril kumpara noong March kung saan naitala ang 3.44 million jobless na mga Pinoy.
Sumipa rin sa 7.1% ang unemployment rate noong Marso, ayon sa datos ng PSA.
Samantala, matatandaang noong Abril 12 hanggang Abril 30, isinailalim ang NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Mas maluwag ito kumpara noong March 29 hanggang April 11 kung saan ibinaba ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga nasabing lugar.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang unemployment figure noong Abril ay ang pangalawa sa pinakamataas na record. Sumunod ito sa pinakamataas na unemployment rate na 15.8% na naitala noong July, 2020.