top of page
Search

ni Lolet Abania | June 22, 2021



Sumang-ayon na ang Pilipinas na bawiin ang deployment ban ng mga manggagawa patungo sa Oman, kapalit ng pagluluwag naman ng naturang bansa sa kanilang entry restrictions para sa mga biyaherong Filipino.


Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, ang mga opisyal ng dalawang bansa ay nagpulong kahapon, June 21, upang talakayin ang pagpasok ng mga Filipino sa Oman.


Sinabi ni Olalia, ipinaliwanag ng gobyerno ng Oman na hindi nila intensiyon na i-ban ang pagpasok ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa, kung saan unang ipinagbawal ang entry ng mga Filipino sa Oman.


Bilang kapalit nito, nakatakdang i-lift ang ibinabang order na pagbabawal sa deployment ng mga Pinoy sa Oman na inianunsiyo ng gobyerno noong nakaraang linggo.


Wala namang ibinigay na timeline si Olalia kung kailan ili-lift ang restriksiyon, subalit posibleng magresulta ito ng pag-aalis ng entry restrictions sa Oman.


“Sa madaling salita po, ‘pag nagkaroon na ng lifting sa Oman at tayo ay nag-lift na, ora mismo makakapagpadala na tayo ng OFWs sa Oman,” ani Olalia.


Ayon pa kay Olalia, mayroong 5,000 OFWs na patungong Oman na umalis na simula January hanggang May, katumbas ng 1,000 kada buwan.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 29, 2021




Binawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary suspension sa deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) papuntang Kingdom of Saudi Arabia (KSA), batay kay DOLE Secretary Silvestre Bello III ngayong araw, May 29.


Aniya, "After receipt of the official communication from the Saudi government this morning which ensures us that the foreign employers and agencies will shoulder the costs of institutional quarantine and other COVID protocols upon arrival in the KSA, the temporary suspension of deployment to the Kingdom is hereby lifted.”


Inabisuhan na rin ni Bello ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang ipatupad ‘immediately’ ang pagbawi sa naunang desisyon, sapagkat naging malinaw na sa kanila na KSA employers ang magbabayad sa 10-day quarantine at iba pang quarantine protocol requirements ng mga OFWs na ide-deploy sa Saudi, at hindi ang mismong OFW.


Giit pa ni POEA Administrator Bernand Olalia, “Ipinaliwanag na po nila na hindi dapat kasama ang OFWs doon sa travel advisory kung saan may pananagutan na mag-institutional quarantine, at magbayad ng COVID-19 tests at insurance coverage.”


Matatandaan namang mahigit 400 Saudi-bound OFWs ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Biyernes dahil sa deployment suspension.


"I understand that the suspension order drew confusion and irritation among our affected departing OFWs. Again, I apologize for the inconvenience and momentary anguish that it may have caused our dear OFWs. It was to the best interest of our OFWs that such decision had to be made," sabi pa ni Bello.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page