ni MC @Sports News | Dec. 1, 2024
Kinamayan ni Chito Loyzaga bilang pagbati sa nagwagi niyang katunggali na si Abraham 'Bambol' Tolentino sa pagpili ng pamunuan ng Philippine Olympic Committee. (pocpix)
Apat na taon muling termino ang haharapin ni Abraham “Bambol” Tolentino nang muling mahalal na pangulo at ang kanyang buong “Working Team” sa idinaos na halalan sa Philippine Olympic Committee (POC) sa East Ocean Garden Restaurant sa Parañaque City.
“The General Assembly has spoken,” ayon kay Tolentino na nakatipon ng 45 boto na kumatawan sa 75 percent ng 61 voting members ng POC. Nakakuha ang kanyang katunggali na si Chito Loyzaga ng 15 boto.
“I think performance was the basis [of landslide victory],” ani Tolentino, 60, sa reporters matapos ang pilian ng pamunuan na pinamahalaan ni Atty. Teodoro Kalaw IV kasama si Philippine Sports Commission commissioner Olivia “Bong” Coo at Letran-Calamba Rector at President Fr. Napoleon Encarnacion, OP, bilang members. Landslide din sa 53 votes si basketball head Al Panlilio maging ang kapwa “Working Team” bet na si Rep. Richard Gomez na nanguna bilang second vice president, at manaig kay skateboarding Carl Sambrano, 37-22. May 54 votes si Dr. Jose Raul Canlas (surfing) habang si Donaldo Caringal (volleyball) ay may 47 points para sa “Working Team.”
Kumumpleto sa team ni Tolentino para sa lopsided victory sina bagong Executive Board members Leonora Escollante(canoe-kayak, 45 votes), Alvin Aguilar (wrestling, 44 votes, Ferdinand Agustin (jiu-jitsu, 41 votes), Alexander Sulit (judo, 41 votes) at Leah Gonzales (fencing, 40 votes). “For the athletes, athletes, athletes …,” ani Tolentino.
Sa bilang na 61 voters, 58 ay mula sa national sports associations at 2 mula sa Athletes Commission at isa mula sa International Olympic Committee representative Mikaela Cojuangco Jaworski. Wala sa okasyon ang Rugby.