top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 17, 2024




Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 34,000 na police officers sa mga mataong lugar para tiyakin ang seguridad ng publiko sa pagdaraos ng Holy Week.


Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na pananatilihin ng pulisya ang kanilang presensya sa mga simbahan, mga tourist spots, at mga pangunahing kalsada, kabilang ang mga terminal ng bus, paliparan, at pantalan. Maglalagay din ng mga help desks ng pulisya sa mga lugar na ito.


Magsisimula ang Holy Week o Semana Santa ngayong taon sa susunod na linggo, Marso 24, sa Palm Sunday. Magtatagal ito hanggang Marso 30, Black Saturday, at susundan ng Easter Sunday, kung kailan ipinagdiriwang ng mga Katolikong mananampalataya ang muling pagkabuhay ni Hesus.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 26, 2023




Sinisiguro ng Philippine National Police (PNP) ang malinis at ligtas na eleksyon at inihanda ang 5,558 na pulis para sa paparating na Baranggay and Sangguniang Kabataan Elections.


Preparado ang mga ito na maging poll workers para sa mga mag-aatrasang guro bilang poll watchers.


Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ilang guro sa Cotabato City at Abra ang umatras dahil sa takot sa nangyayaring karahasan.






 
 

ni Mai Ancheta @News | August 15, 2023




Dapat isailalim sa retraining ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) matapos ang palpak na operasyon ng Navotas City Police na nagresulta sa pagkamatay ng 17-anyos na si Jemboy Baltazar dahil sa mistaken identity.


Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, hindi sapat na isailalim lamang sa refresher course ang buong puwersa ng Navotas Police kundi dapat buong puwersa ng PNP upang hindi na maulit ang ganitong kapalpakan na ang nabibiktima ay mga inosenteng mamamayan.


Mayroon aniyang ibinibigay na training sa PNP patungkol sa human rights at kung susundin ito nang tama ay maiiwasan ang mga ganitong pangyayari.


Matatandaang binaril at napatay ang biktimang si Baltazar matapos mapagkamalan umanong suspek sa target na operasyon ng Navotas Police.


Iginiit din ni Palpal-latoc ang paggamit ng body camera ng mga pulis upang madokumento ang kanilang mga ginagawa sa operasyon na hindi ginawa umano ng Navotas Police sa naganap na insidente.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page