top of page
Search

ni Lolet Abania | December 16, 2020




Niyanig ng 6.1-magnitude na lindol ang Alabel, Sarangani ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Naramdaman ang paggalaw ng lupa bandang alas-7:22 ng umaga ngayong Miyerkules.


Matatagpuan ang epicenter ng lindol sa layong 06.12°N, 125.39°E - 011 km N 79° E ng Alabel. Ang pagyanig ay may lalim na 54 kilometer at tectonic ang origin.


Ayon sa Phivolcs, asahan ang mga susunod na aftershocks matapos ang lindol.


Wala namang nasaktan sa naganap na pagyanig. Patuloy na pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa lahat ng oras.


 
 

ni Thea Janica Teh | November 30, 2020



Niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol ang Masbate ngayong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Ito ay naramdaman kaninang 4:23 ng umaga sa 11 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan. Ang pagyanig ay may lalim na 16 kilometers at ayon sa PHIVOLCS, hindi umano makararanas ng aftershock.


Samantala, naramdaman ang Intensity II sa bayan ng Irosin at Magallanes sa Sorsogon at Legazpi City habang Intensity I naman sa Naval Biliran, Palo Leyte at Roxas City.


Sa ngayon ay wala namang naitalang nasira o nasugatan sa nangyaring pagyanig.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page