top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021



Balik-operasyon na ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) matapos itong pansamantalang ihinto dahil sa naganap na magnitude 6.6 na lindol sa Calatagan, Batangas na naramdaman din sa Metro Manila.


Kaagad na nagsagawa ng “full inspection of tracks and facilities” ang LRT-1 kaugnay ng lindol.

Bandang 6:25 AM naman nang nagbalik-operasyon ang LRT-1.


Saad naman ng MRT-3 bandang alas-7:04 nang umaga, “Bumalik na sa normal na operasyon ang MRT-3 matapos pansamantalang itigil ang biyahe ng mga tren, matapos magsagawa ng safety check at assessment sa mga istasyon at pasilidad nito kaugnay sa nangyaring lindol kaninang 4:49 AM sa Calatagan, Batangas.”


Samantala, sa inisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang lindol bilang magnitude 6.7 ngunit ibinaba ito sa magnitude 6.6.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021



Ibinaba na sa Alert Level 2 (decreased unrest) ang volcanic status ng Bulkang Taal mula sa Alert Level 3 (magmatic unrest), ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Ayon sa Taal Volcano Bulletin ng PHIVOLCS, naitala ang 3 volcanic earthquake at mahinang background tremor sa bulkan sa nakalipas na 24 oras na pagmamanman simula alas- 5:00 AM kahapon hanggang alas-5:00 nang umaga ngayong araw.


Patuloy pa ring naglalabas ng mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide (SO2) at steam-rich plumes ang Bulkang Taal na umaabot sa taas na 900 meters mula sa main crater nito.


Saad ng PHIVOLCS, “DOST-PHIVOLCS reminds the public that at Alert Level 2, sudden steam or gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within and around Taal Volcano Island (TVI).”


Patuloy pa ring ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa TVI, lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures, pamamalagi sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 23, 2021



Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 95 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal kabilang ang 68 volcanic tremors na may habang 1 hanggang 17 minuto sa nakalipas na 24 oras na pagmamanman simula alas-5 nang umaga kahapon hanggang alas-5 AM ngayong araw.


Patuloy pa ring naglalabas ng volcaninc sulfur dioxide at steam-rich plumes ang Bulkang Taal na umaabot sa taas na 900 metro mula sa main crater nito bago mapadpad patungo sa hilagang silangan at silangan.


Patuloy namang nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan at ayon sa PHIVOLCS, “Sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot sa main crater ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog.


“Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na ang Taal Volcano Island o TVI ay isang PERMANENT DANGER ZONE (PDZ) at pagpasok sa TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel ay dapat na maigting na ipagbawal dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung sakaling magkaroon ng malakas na pagputok.”


Pansamantala ring ipinagbabawal ng ahensiya ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake at nagbabala rin ang PHIVOLCS sa mga residente sa paligid nito na mag-ingat sa posibleng ashfall at vog at maging handa sa posibleng evacuation kapag lumala ang aktibidad ng bulkan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page