top of page
Search

ni Lolet Abania | October 12, 2022



Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon ngayong Miyerkules.


Ayon sa Phivolcs, itinaas ang alert level ng Bulusan sa 1 mula sa 0 dahil sa kanyang “state of low-level unrest.”


Sa kanilang 3PM bulletin, sinabi ng Phivolcs na nakapag-record ang Bulusan Volcano Network ng 126 weak at shallow volcanic earthquakes simula nitong umaga ng Martes.


Anang ahensiya, naobserbahan din ang iba pang unrest parameters, kabilang na ang ground deformation, pagtaas ng volcanic carbon dioxide concentrations, at mga on-ground reports ng sulfurous odor emissions.


Sa ilalim ng Alert Level 1, pinagbabawalan ang publiko na pumasok sa Bulusan’s 4-kilometer-radius permanent danger zone (PDZ).


Dapat ding maging maingat sa pag-obserba sa 2-kilometer extended danger zone na ayon sa Phivolcs, “due to the increased possibilities of sudden and hazardous phreatic eruptions.”


“People living within valleys and along river/stream channels especially on the southeast, southwest, and northwest sector of the edifice should be vigilant against sediment-laden stream flows and lahars in the event of heavy and prolonged rainfall should a phreatic eruption occur,” sabi pa ng ahensiya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 19, 2021



Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Port-Olry, Vanuatu na may lalim na 89.5 km bandang alas-10 nang gabi noong Miyerkules, ayon sa tala ng US Geological Survey.


Unang naitala ng USGS ang naturang lindol bilang magnitude 7.1 na may lalim na 83.3 km ngunit ibinaba ito sa magnitude 6.9.


Samantala, kaagad namang naglabas ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang nakataas na tsunami threat sa Pilipinas.

 
 

ni Lolet Abania | July 29, 2021



Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Huwebes ang alarma sa posibleng tsunami sa 'Pinas matapos ang magnitude 8.2 lindol na tumama sa Chignik, Alaska.


“An earthquake of this size has the potential to generate a destructive tsunami that can strike coastlines in the region near the epicenter within minutes to hours,” pahayag ng PHIVOLCS.


Ayon sa PHIVOLCS, sa ngayon, wala pang isinasagawang paglikas sa mga lugar sa bansa. Gayunman, pinayuhan ng ahensiya na patuloy na mag-monitor ang mga probinsiya gaya ng Batanes Group of Islands, Albay, Surigao del Sur, Cagayan, Catanduanes, Davao Oriental, Ilocos Norte, Sorsogon, Davao De Oro, Isabela, Eastern Samar, Davao del Norte, Quezon, Northern Samar, Davao del Sur, Aurora, Leyte, Davao Occidental, Camarines Norte, Southern Leyte, Camarines Sur, Surigao del Norte.


Samantala, naitala ng U.S. Geological Survey (USGS) ang lindol sa Alaska na nasa magnitude 8.2, na may lalim na 35 km.


Ang U.S. Tsunami Warning System ay nakapagtala naman ng pagyanig ng magnitude 8.1, at ang European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC), naitala ang lindol na magnitude 8.0 na may lalim na 10 km.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page