ni Lolet Abania | December 17, 2021
Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes ng gabi na bibisitahin niya ang mga probinsiya na tinamaan ng Bagyong Odette upang alamin ang kondisyon ng mga tao at buong sitwasyon sa mga lugar doon.
“I’m flying tomorrow to the area, also maybe I would hit Leyte, Surigao and if there is time [in] Bohol and the day after I will try to visit Cebu then dito sa eastern side of the islands,” ani Pangulong Duterte sa isang press briefing.
Ayon kay P-Duterte, nakikipag-usap na siya sa Department of Budget and Management (DBM) para sa paglalaan ng pondo na gagamitin sa tinatawag na calamity-stricken areas, habang giit ng Pangulo na ang funds ay naubos na dahil ito sa COVID-19 pandemic.