ni Gina Pleñago @News | July 25, 2023
Ipinakita ang bagong lottery machines na nakatakdang ipalit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga luma nitong aparato.
Inihayag ito nina Darrell Smith, vice president ng Smartplay International at Adrian Cobarrubias, chief operating officer ng JONICO Technologies System and Services Inc., ang joint venture na supplier ng PCSO sa loob ng mahigit 20 taon.
Ang makabagong lotto machines umano ay tamper-proof, accurate, transparent at mapagkakatiwalaang makinarya na ginagamit sa halos mahigit 100 bansa sa buong mundo.
Galing umano ang mga machine sa Estados Unidos at gumagamit ng RFID technology na pinagkakatiwalaan sa gaming industry.
Sa halip na pingpong balls, gawa na sa espesyal na foam materials ang bola nito.
Ang nasabing teknolohiya ay ginagamit umano ng Camelot ng United Kingdom, Hong Kong, Malaysia, U.S., Singapore, Brazil at marami pang iba.