top of page
Search

ni Lolet Abania | November 12, 2021



Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Army chief Lieutenant General Andres Centino bilang bagong commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Papalitan ni Centino si General Jose Faustino Jr., na umabot na sa kanyang mandatory retirement age na 56 ngayong Biyernes, Nobyembre 12.


Ayon kay AFP spokesperson Colonel Ramon Zagala, “Centino has immense knowledge and experience in leading our troops on the ground and in supporting peaceful efforts to protect our people against various threats.”


“His integrity, management acumen and genuine desire for peace and development make him a competent leader who shall guide the AFP in fulfilling its mission while supporting national efforts to battle the current pandemic,” dagdag ni Zagala.


Si Centino ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988.


Sa pahayag naman ng Malacañang, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na malaki ang tiwala nila kay Centino, aniya “He will continue the initiatives of his predecessors to bring lasting peace and development in the country while securing the state and upgrading our defense capability.”


“We wish the success of General Centino in his new role,” sabi pa ni Roque.

Itinakda ang turnover ceremony ngayong Biyernes ng hapon.

 
 

ni Lolet Abania | September 6, 2021



Isang Philippine Army general at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1989 ang nasawi dahil sa COVID-19.


Ayon kay Major General Ernesto Torres, Army chapter president ng PMA class ’89, si Brigadier General Bagnus Gaerlan, assistant commander ng 1st Infantry Division ay pumanaw na ngayong Lunes nang umaga dahil sa coronavirus.


“It is with deep sadness that we would like to inform the friends and relatives of our mistah, BGen Bagnus Gaerlan PMA 89, that he succumbed to the deadly COVID virus early this morning,” pahayag ni Torres.


Batay sa ulat ng Western Mindanao Command, si Gaerlan ay namatay sanhi ng acute respiratory failure secondary to COVID pneumonia.


Idineklarang nasawi si Gaerlan bandang alas-5:19 ng madaling-araw ni Dr. Anatalio E. Cagampang Jr., ang head ng ospital ng Zamboanga Del Sur Medical Center.


Isinugod sa ospital si Gaerlan noong Setyembre 2 matapos na magpositibo sa antigen test sa COVID-19, habang nagpositibo muli sa RT-PCR test naman noong Setyembre 3.


Sinabi ni Torres na si Gaerlan ang ikaapat na miyembro ng kanilang class, matapos nina Jun Unson, Danny Olay at Allan Cordova na dahil sa COVID-19 aniya, “they drop their working tools.”


“For those who wish to pay their last respects, details of interment will be posted as soon as obtained,” ani pa ni Torres.

 
 

ni Lolet Abania | June 6, 2021



Timbog ang siyam na lalaki na nagpakilala umanong mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa isang checkpoint sa bayan ng San Jorge, Samar.


Ayon kay San Jorge Municipal Police Station chief Police Captain Cañete, pinara sa checkpoint ng kanyang mga tauhan ang sasakyan ng grupo at napansin nilang may kakaibang galaw ang mga suspek. Agad na hinanapan ng mga awtoridad ng travel authority ang grupo habang isang papel umano mula sa Palasyo ang ipinakita ng mga ito, kung saan nakasaad dito na pinapayagan silang bumiyahe patungo sa Maynila mula Mindanao at gayundin pabalik.


Nang hingan ng mga pulis ng identification card ang grupo, nagpakita naman umano ang mga ito ng kanilang IDs na nakalagay pa rito na sila ay mga opisyal ng PNP at Philippine Army.


Ayon kay Capt. Cañete, agad niyang ipina-verify sa Maynila ang mga IDs at travel authority ng mga suspek, kung saan lumabas na peke ang mga ito habang walang pangalan ng mga opisyal na tugma sa mga IDs.


Nakumpiska sa mga suspek ang mga pekeng IDs at pekeng travel authority na nanggaling umano sa Malacañang, ilang hindi lisensiyadong baril at mga communication equipment, mga bala ng baril, bullet proof vest at Philippine Army at PCG uniform. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page