top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021



Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Fabian bandang alas-11:00 kagabi ngunit ayon sa PAGASA, patuloy na nakararanas ng matinding pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa sa nakalipas na 24 oras dahil sa Southwest Monsoon.


Huling namataan ang sentro ng mata ng Bagyong Fabian sa 640 km North-Northeast ng Itbayat, Batanes sa labas ng PAR na may lakas ng hangin na umaabot sa 140 km/h at pagbugsong umaabot sa 170 km/h.


Wala na ring naitalang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga lugar sa bansa.


Samantala, patuloy na pinalalakas ng Bagyong Fabian ang Southwest Monsoon kaya makararanas ng pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, ilang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at ilang bahagi ng Western Visayas.

 
 

ni Lolet Abania | July 16, 2021


Ganap nang Tropical Depression Fabian ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa ulat ng PAGASA ngayong Biyernes.


Batay kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, ang TD Fabian ay nasa layong 1,335 kms silangan ng North Luzon.


Dagdag niya, posibleng palakasin ni ‘Fabian’ ang nararanasang Southwest Monsoon sa mga susunod na araw, kung saan magdudulot ito ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.


Gayunman, hindi inaasahan na ito ay magla-landfall.


Sinabi rin ni Clauren na maglalabas ang PAGASA ng first severe weather bulletin ngayong alas-5:00 ng hapon, kaya pinapayuhan ang lahat na patuloy na mag-monitor sa lagay ng ating panahon.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 3, 2021



Namataan ang dalawang low pressure areas (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), posible nitong maapektuhan ang direksiyon ng ashfall na ibinubuga ng Bulkang Taal.


Ayon naman kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, malabong maging tropical storms ang mga LPA.


Saad ni Jalad, “But ‘yung low pressure area na ‘yan ay magdudulot ng pag-ulan at paglakas ng hangin. At ‘yung hangin na ‘yun ay posibleng magtulak ng ashfall doon sa iba’t ibang lugar.”


Nagkaroon na rin umano ng pagpupulong ang PAGASA at NDRRMC ukol sa posibleng maging direksiyon ng hangin at sa maaaring maging epekto nito sa aktibidad ng Bulkang Taal.


Aniya, “So titingnan natin sa advisory na ibibigay sa atin… but for the purpose of forecasting, ipapakita namin ‘yung ibinigay na possible wind direction na pagdala nitong LPA at para sa knowledge ng ating mga kababayan.”


Samantala, nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page