ni Lolet Abania | May 13, 2022
Ligtas ang limang crew ng Philippine Air Force (PAF) NC212i na sakay ng eroplano, matapos na sumabog ang gulong nito habang pababa na ito sa Laoag Airport, ngayong Biyernes nang umaga.
“On or about 10:32 a.m., 13 May 2022, an NC212i with tail Nr 2119 experienced a blown tire during landing roll at Laoag Airport,” saad ng PAF sa isang statement.
“The pilots performed an emergency procedure and shut down the engine at the runway,” dagdag ng PAF.
Ayon sa PAF, safe naman ang lahat ng aircrew at walang nai-report na nasaktan dahil sa insidente.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon kaugnay sa nangyaring insidente.
“The PAF will continue to adhere to strict safety protocols to ensure the safe operation of its aircraft and equipment,” pahayag pa ng PAF.