ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 1, 2021
![](https://static.wixstatic.com/media/e5628c_35a2017aeacf48f3b5ddf32ced613224~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/e5628c_35a2017aeacf48f3b5ddf32ced613224~mv2.jpg)
Inaprubahan na ng House of Representatives ang House Bill 9072 o ang proposed Free Annual Medical Check-up Act ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa nito.
Nakakuha ng 245-0 votes ang naturang bill na naglalayong gawing libre ang medical check-up sa mga Pilipino sa mga pampublikong ospital at institusyon.
Kabilang sa medical check-up ay ang blood sugar at cholesterol tests at mga laboratory at diagnostic tests.
Saklaw ng naturang panukala ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa ilalim ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Law.