ni Mary Gutierrez Almirañez | May 28, 2021
Isinasagawa ng American multinational pharmaceutical company na Merck & Co Inc. ang Phase 3 trial ng Molnupiravir o pills kontra COVID-19.
Ayon sa ulat, 1,850 pasyente ang sumalang sa trial, kung saan ipinapainom sa mga ito ang 800 milligrams ng Molnupiravir dalawang beses kada araw sa loob ng 5 days. Inaasahan namang lalabas ang resulta ng trial sa September o October.
Sabi pa ni Merck's Chief Scientific Officer Daria Hazuda, “Viruses are basically little machines and they need certain components to replicate themselves."
Dagdag naman ng infectious diseases physician na si David Hirschwerk ng Northwell Health, "It's great that we have vaccine rollout that has been significant, but it certainly will not be taken by everybody in our population, and not everybody who takes the vaccine will have a full response to it.”
Sa ngayon ay patuloy ang pag-aaral ng mga eksperto sa lahat ng gamot at bakuna na maaaring pumuksa sa lumalaganap na COVID-19 sa buong mundo.