ni Jasmin Joy Evangelista | February 17, 2022
Dumating na sa bansa ang ikatlong batch ng reformulated Pfizer vaccine para sa mga batang edad 5-11 nitong Miyerkules.
Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang 9 p.m. lulan ng Air Hong Kong flight LD456.
Ang mga vaccine doses na ito ay binili ng bansa sa pamamagitan ng loan mula sa World Bank.
Ang first at second tranches ng reformulated na vaccine ay dumating noong February 4 at 10.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, inaasahang darating sa bansa ang nasa 5 hanggang 6 na milyong reformulated Pfizer vaccines sa buong buwan ng Pebrero.
As of February 14, nasa 148,000 minors edad 5-11 ang nakatanggap na ng L COVID-19 vaccine. Sa tala na ito, walo ang nakaranas ng non-serious reactions matapos maturukan.