top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 15, 2022



Dumating na sa bansa nitong Lunes ang 868,140 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.


Ang mga naturang bakuna ay binili ng Pilipinas sa pamamagitan ng World Bank, ayon sa National Task Force Against COVID-19.


Ito ay para sa mga menor de edad na 12-anyos pataas.


Ang mga naturang bakuna ay sakay ng DHL Express Flight LD456 na dumating bandang 9 p.m.


Nito ring buwan na ito ay natanggap ng Pilipinas ang mga Pfizer COVID-19 vaccine doses para sa mga bata:


• March 4: 804,000 doses for children aged 5-11 years old;

• March 9: 1,056,000 doses of reformulated Pfizer COVID-19 vaccine for the pediatric age group and 128,700 doses for adults;

• March 10: 1,056,000 doses for children;

• March 11: 1,080,000 doses for children aged 5-11 years old; and

• March 12: 1,032,000 doses for children aged 5-11 years old.


Ang pilot rollout ng COVID-19 vaccination sa mga batang edad 5 to 11 years old sa bansa ay sinimulan sa National Capital Region noong February 7.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 10, 2022



Dumating na sa bansa ang 455,130 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine nitong Miyerkules ng gabi.


Lumapag sa NAIA Terminal 3 bandang 9:00 p.m. ang Hong Kong Airlines flight mula Cebu na dala ang panibagong shipment.


Ayon kay assistant secretary Wilben Mayor ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, gagamitin ang mga bakuna sa adult at adolescent vaccinations at booster shots.


Ayon sa NTF, umabot na sa 129,125,464 na mga COVID-19 vaccine dose ang naipamahagi na sa bansa noong Pebrero 7.


Sa ngayon, higit 60 milyong Pilipino na ang fully vaccinated at 8.2 milyon na ang nakakuha ng booster shots.


Samantala, inaasahan din ngayong Huwebes ng gabi ang pagdating sa bansa ng ika-2 batch ng 780,000 reformulated Pfizer-BioNTech vaccine doses para sa mga batang edad 5 hanggang 11.

 
 

ni Lolet Abania | October 3, 2021



Nasa kabuuang 1.8 milyon doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na donasyon ng gobyerno ng United States sa pamamagitan ng COVAX facility ang dumating sa bansa ngayong Linggo nang umaga.


Ayon kay vaccine czar at Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19 Carlito Galvez Jr, umabot na sa kabuuang 77,410,640 doses ng COVID-19 vaccine na idineliber sa bansa hanggang Oktubre 3, 2021.


Nitong Sabado nang hapon, nasa 889,200 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang dumating at donasyon din ng US government sa pamamagitan ng COVAX facility.


“With the over 77-million vaccine doses we have received since February, we are moving closer to vaccinating half of our eligible population. This will be another major milestone in our vaccine rollout,” ani Galvez.


Sinabi rin ni Galvez na marami pang paparating na bakuna hanggang sa katapusan ng Oktubre, kung saan tinatayang aabot na ang matatanggap ng bansa sa kabuuang 100 milyon COVID-19 vaccine doses simula ito noong Pebrero.


“And by the end of October, we project that the country would have received a total of 100 million vaccine doses (since February), which could fully inoculate about 50 million Filipinos. This brings us closer to our goal of achieving herd immunity or population protection for us to safely exit from this pandemic as soon as possible,” sabi pa ni Galvez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page