top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 2, 2021



Dumating na sa bansa ang mahigit 1 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.


Lulan ng Air Hong Kong flight LD456 ang 1,078,740 Pfizer vaccine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-otso kagabi, Disyembre 1.


Ito ang unang bahagi sa tatlong deliveries sa mahigit dalawang milyong doses ng bakuna na binili ng gobyerno ng Pilipinas sa Pfizer.


Inaasahan ng gobyerno ang pagdating ng iba pang mga bakuna ngayong Huwebes at Sabado.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021



Dumating sa Pilipinas ang higit pang 753,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine ngayong Miyerkoles.


Mapupunta sa Cebu at Davao ang higit 51,000 doses. Ang natitira ay mapupunta sa mga lugar sa Luzon.


Ayon kay Dr. Ted Herbosa ng NTF on COVID-19, ia-allocate ang mga ito sa mga rehiyon sa labas ng NCR. Mapupunta ang iba sa Region 3 at 4.


Kapag ang LGU ay kulang na sa pang-limang araw ang supply na bakuna, magpapadala ulit sila ng bagong supply.


Dagdag pa niya, walang mababago sa vaccination process sa kabila ng alert level system sa NCR.


Samantala, umabot na sa 39 million ang bakunadong Pilipino, kung saan 17 million ang fully vaccinated.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 3, 2021



Dumating na kagabi ang nasa 183,000 pang karagdagang doses ng Pfizer-BioNTech vaccine na donasyon mula sa COVAX Facility.


Ang mga ito ay ipapadala sa mga lugar na hindi pa nakatatanggap ng Pfizer vaccine at kailangan umanong matuto ng ibang lugar na mag-handle ng mga sensitibong bakuna laban sa COVID-19, ayon kay Asec. Wilben Mayor ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).


Malaking bahagi ng mga paparating na bakuna ay Pfizer kaya kailangang i-train ang mga LGUs na magbabakuna nito.


Isinagawa na rin aniya ang point-to-point inoculation lalo sa mga areas na walang cold storage facility.


Ibig sabihin, pagdating ng bakuna, ituturok na agad ang mga ito at hindi na iiimbak pa.


Samantala, 29 million na mga COVID-19 vaccine doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong Setyembre.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page