ni Mabel Vieron | July 5, 2023
Nakatakdang magdeklara ng emergency status ang bansang Peru dahil sa patuloy na pag-alburoto ng Bulkang Ubinas.
Ayon sa National Institute of Civil Defense, itinaas na umano nila sa orange mula sa yellow alert dahil sa pagbuga nito ng mga abo na umabot na sa 1,700 metro ang taas.
Ang Southern region ng Moquegua ay lugar kung saan marami ang mga minahan at dito rin matatagpuan ang ilang mga bulkan.
Itinuturing na nasa Pacific-Ring of Fire ang Peru kaya madalas ang pagiging aktibo ng mga bulkan.