top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 31, 2023




Nagbitiw si Senador Robinhood "Robin" C. Padilla sa kanyang puwesto bilang executive vice president ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) upang tiyaking mas epektibo niyang magaganap ang kanyang tungkulin bilang halal na mambabatas.


Ayon kay Padilla, inihain niya ang hindi na mababawing pagbibitiw o irrevocable resignation kahapon bagama't mananatili siyang aktibong miyembro ng partido.


Mulat umano siya na mabigat ang mandato niya bilang senador at mas nararapat na maging EVP ng partido ang makapaglalaan ng buong oras para sa responsibilidad nito.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 20, 2022



Inilahad ni presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno na hangad niya ang endorsement ng PDP-Laban faction sa hanay ni Pangulong Rodrigo Duterte.


“Hopefully, kung sana, wala namang presidente ang PDP-Laban, baka pwedeng ako na lang,” ani Moreno sa isang press conference pagkatapos ng isang event sa Intramuros, Manila kung saang nangako ng suporta ang Duterte supporters sa alkalde.


Sinabi rin ni Domagoso na kailangan niya ang lahat ng klase ng tulong dahil siya galing sa grupo ng mga established officials.


Ang mga officers at members ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee sa pangunguna ni former Agrarian Reform chief John Castriciones ang pormal nang inihayag ang kanilang manifesto of support kay Moreno.


Si Castriciones,na isang senatorial candidate sa ilalim ng PDP-Laban, ay hangad ding pormal na iendorso ni Pangulong Duterte ang Manila mayor.


“Well, you know, President Duterte might not expressly state that  he is supporting a candidate, but as you can see in his body movements and also in his pronouncements, you can actually deduce as to who he is going to support,” ani Castriciones.


“I hope that the president would really endorse Isko Moreno,” dagdag niya.


Gayunman, tumangging magkomento si PDP-Laban president Energy Secretary Alfonso Cusi hinggil dito.


“No comment lang muna po [for now],” pahayag ni Cusi sa INQUIRER.net sa isang text message nang tanungin ang reaksiyon sa naging pahayag ni Domagoso.


Matatandaang si Sen. Ronald dela Rosa ang pambato sa pagka-pangulo ng PDP-Laban habang si Sen. Christopher Go naman ang vice president nito. Parehong nag-withdraw ng candidacy sina dela Rosa at Go kung kaya’t walang naging standard bearer ang partido.

 
 

ni Lolet Abania | October 8, 2021



Tatakbo si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.


Ayon kay PDP-Laban secretary general Melvin Matibag, si Dela Rosa ang standard bearer ng ruling PDP-Laban at ang kanyang running-mate ay si Senador Christopher “Bong” Go.


Naghain si Dela Rosa ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong Biyernes sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page