ni Angela Fernando - Trainee @News | November 10, 2023

Inaprubahan ng National Economic Development Authority Board ang Phase 3 ng Maritime Safety Capability Improvement Project ng Philippine Coast Guard na nagkakahalaga ng P29.3-bilyon nu'ng Nobyembre 9.
Popondohan ang proyektong limang bagong multi-role response vessels (MRRVs) sa official development assistance (ODA) loan mula sa pamahalaan ng Japan.
Ayon sa Balisacan, mapapabuti ng proyektong ito ang kakayahan ng PCG na harapin ang mga banta sa maritime jurisdiction ng bansa.
Kinumpirma rin ng Balisacan na maaaring gamitin ang mga barko para sa resupply missions na makakatulong sa kapakanan ng mga mamamayan.