ni Angela Fernando - Trainee @News | November 17, 2023
Patay ang isang kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) sa distrito ng Palawan habang nasa gitna ng pagsasanay sa water search and rescue (WASAR) nu'ng Nobyembre 15, ayon sa PCG nitong Biyernes.
Pahayag ng PCG, nawalan ng malay ang isang 27-anyos na personnel sa kanilang 100-meter swim.
Agad namang umaksyon ang kanilang training staff nang mapansin ang pangyayari ngunit idineklara itong walang buhay bandang 9 p.m.
Napag-alamang "hypoxic ischemic encephalopathy secondary to a submersion injury (drowning) and subsequent arrest" ang naging sanhi ng pagkamatay nito.
Sinuspinde ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan nitong Huwebes ang kanilang mga pagsasanay na may kinalaman sa WASAR.