ni Angela Fernando - Trainee @News | February 11, 2024
Sumuporta ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mahigit 100 mangingisda na kumumpleto sa kanilang mga operasyon sa seguridad at patrol sa Bajo de Masinloc (BDM) ngayong linggo.
Nag-utos ang Commandant ng Coast Guard na si Admiral Ronnie Gil Gavan nu'ng Pebrero 1 ng pagpapadala ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa BDM para sa kanilang regular na misyon na bantayan at protektahan ang mga mangingisdang Pinoy sa loob ng exclusive economic zones (EEZ) ng bansa.
Sa loob ng 9 na araw na pagpapatrol, nakipag-ugnayan ang PCG sa mga mangingisda upang alamin ang kanilang mga paraan sa pangingisda at namahagi ng mga food pack at inumin upang suportahan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa mahabang operasyon sa BDM.
Binantayan ng Magbanua na may timbang na 2,260 tonelada sa kanilang misyon ang apat na barko ng Chinese Coast Guard (CCG) na may mga bow number na 3105, 3302, 3063, at 3064 kasama nito ang apat na barko ng Chinese Maritime Militia.