top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 15, 20244




Humarang ang isang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at sinundan ang barko ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) na BRP Hydrographer Ventura at ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Gabriela Silang habang ang mga barko ng 'Pinas ay patungong Bajo de Masinloc (BDM).


Patungo ang barko sa BDM o mas kilalang Scarborough Shoal upang magsagawa ng hydrographic survey sa lugar.


"China’s clearly sending a message maybe in the wake of the other things that have been happening including this trilateral summit that China is being especially aggressive and making the point that it believes in this 9-dash claim," saad ng international advocacy group SeaLight Director na si Ray Powell.


Nakumpirma namang ang barko ng CCG ay humarang sa mga barko ng 'Pinas na may 35 nautical miles mula sa baybayin ng Luzon o hangganan ng nine-dash line ng China, lokasyon na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 22, 2024




Nagpahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Sabado na ang China Coast Guard (CCG) ay nagkaroon ng isang mapanganib na maniobra laban sa isang sasakyang pandagat ng 'Pinas na nasa resupplying mission patungong Ayungin Shoal.


Naglabas ang AFP ng ilang larawan at video ng nasabing insidente na nangyari nitong 6:00 ng umaga.


Ang mapanganib na maniobra ay ginawa ng sasakyang pandagat ng CCG na BN21551, ayon sa AFP.


Ang nasabi namang sasakyang pandagat ng bansa na Unaizah May 4 (UM4) ay ang parehong sasakyan na nasira sa pag-atake ng water canon ng CCG nu'ng Pebrero.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 25, 2024




Nagpahayag ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kamakailan na 44 na bangka ng mga mangingisda sa Bajo de Masinloc (BDM) o Scarborough Shoal ang binigyan ng tulong sa gasolina ng mga otoridad, na nagpapakitang dumarami na ang mga Pilipino ngayon ang nangingisda sa West Philippine Sea (WPS).


Sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na 44,900 litro ng diesel, 217 litro ng inumin na tubig, at 20 galon ng malinis na tubig ang ibinigay sa mga mangingisda ng 'Pinas sa rotational deployment ng mga barko ng BFAR at Philippine Coast Guard (PCG) sa shoal.


Saad niya, "Ang maganda nito, kumpara sa nakaraan nating misyon, mas nadagdagan ang mga Filipino fishing boats na nabigyan ng ayuda. From 21 nung nakaraan, ngayon ay nasa 44."


Dagdag ni Briguera, magandang senyales daw ito dahil nagpapakita lang na nadadagdagan na ang mga mangingisda natin sa BDM.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page