top of page
Search

by BRT @Brand Zone | Jan. 6, 2025


PCG Photo: 'The Monster’ China Coast Guard 5901


Namataan malapit sa Luzon ang 'monster ship' ng China Coast Guard, ayon kay American maritime security analyst Ray Powell.


“Today ‘The Monster’ China Coast Guard 5901 has brought its intrusive patrol even further east from Scarborough Shoal. It is now asserting #China’s claim of jurisdiction just 50 nautical miles from the #Philippines’ main island of Luzon,” saad sa post ni Powell, Sabado ng umaga.


Ang “monster ship” ay may timbang na 12 tonelada, na limang beses na mas malaki kaysa sa dalawang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG).


Kinumpirma ng PCG ang presensya ng barko ng China sa layong 54 nautical miles sa Capones Island, Zambales.


Agad na ipinadala ang PCG Caravan, BRP Cabra at helicopter para subukin ang CCG at igiit na ang naturang barko ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.


Iniulat na ang 'monster ship' ay bumibiyahe pa-kanluran at ngayo'y nasa 85 nautical miles mula sa Zambales.


Ayon naman kay National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, hindi nakakabiglang malaman na may monster ship ang China na umaaligid sa Bajo de Masinloc dahil matagal nang pinupuno ng mga barko ng China ang naturang lugar.

 
 

ni Eli San Miguel @News | Nov. 3, 2024



Photo: BRP Gabriela Silang ng PCG - DSWD Region II


Dumating sa Batanes nitong Linggo ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG) upang maghatid ng kinakailangang mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo, matapos maantala dulot ng masamang panahon.


Ayon kay PCG spokesperson Commodore Aljier Ricafrente, dala ng barko ang humigit-kumulang 5,500 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga bahaging norte ng bansa na kamakailan lamang ay sinalanta ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan dulot ng bagyong Leon.


Bago ang paglalayag nito, pansamantalang tumigil ang BRP Gabriela Silang sa bayan ng Sual, Pangasinan, habang naghihintay ng mas maayos na kondisyon ng dagat.


Magugunitang nagbigay din ng karagdagang donasyon ang mga lokal na pamahalaan at miyembro ng komunidad, kabilang dito ang mga sako ng bigas.

 
 

ni Angela Fernando @News | September 13, 2024



Sports News

Umabot na sa 97.43% ng langis mula sa lumubog na Terranova motor tanker sa Limay, Bataan ang narekober na at 55,512 litrong kargang langis ang nawawala, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes.


Sinabi ng PCG na batay ito sa huling inspeksyon sa ground zero na isinagawa nu'ng Huwebes. Ayon sa ulat ng contracted salvor na Harbor Star, sinabi ng PCG na kabuuang 1,415,954 litro ng langis at 17,725 kilo ng solidong oily waste ang narekober mula sa lumubog na motor tanker.


Base sa Harbor Star, ang natitirang 55,512 litro, na katumbas ng 2.57% ng kabuuang kargang langis, ay nawala dahil sa iba't ibang salik tulad ng biodegradation, pagkakawala sa hangin, pagsipsip ng sorbent booms, at sludge na hindi na ma-pump mula sa mga tangke.


Samantala, sinabi pa ng PCG na isinagawa rin ng salvor ang final stripping operation upang matiyak na walang laman ang mga kargamentong oil tanks para sa nalalapit na salvage operation ng MTKR Terranova.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page