ni Clyde Mariano @Sports | Oct. 22, 2024
Unang inangkin ng Tropang Giga ang final seat, maghaharap na ang TNT at Barangay Ginebra. Photo: PBA PH
Sa pangalawang sunod na taon muling maghaharap ang defending champion Talk 'N Text at challenger Barangay Ginebra sa best-of-seven title showdown ng PBA 49th Season Governor’s Cup.
Lamang sa seryeng 3-2 at kailangan ng isa pang panalo para umabanse sa finals at huwag nang paabutin ang playoffs sa sudden death Game 7, tuluyan nang tinapos ng Kings ang semis series at sinibak ang sister team at mahigpit na karibal na San Miguel Beermen sa Game 6, 102-99 na pinanood ng partisan crowd kasama si dating PBA import Sean Chambers sa Smart Araneta Coliseum.
May pag-asa pa sana ang SMB na tumabla at ipilit ang Game 7. Subalit sumablay ang tres ni Ejimofor Anosike at nakuha ang offensive rebound at sumablay din ang 3 ni Jericho Cruz sa left wing kaya inangkin ng Kings ang panalo at muling labanan ang TNT sa finals.
“It’s another one hell of a game. SMB pushed us to the limit. My players refused to fold up,” sabi ni coach Tim Cone. “The semis is over. Our next move is the finals against Talk ‘N Text. It’s another tough task for us playing against a tough team TNT,” wika ni Cone na target ang pang-26th PBA title.
Umiskor si Maverick Ahanmisi ng team high 25 points at muling itinanghal ang dating Rain or Shine gunner na Best Player of the Game. Nag-ambag si Justin Brownlee ng 21 points at 7 rebounds, Japeth Aguilar 20, Rhon Jay Abarrientos 16 at Scottie Thompson 10.
Maghaharap ang TNT at Barangay Ginebra sa Oct. 27 sa Big Dome. Unang inangkin ng Tropang Giga ang final seat sa kartadang 4-1 kasama ang game-clinching Game 5, 113-95, laban sa Rain or Shine.
Matapos ang first half, pinulong ni Commissioner Willie Marcial ang kapulisan ng Antipolo tungkol sa magandang samahan at ugnayan ng PBA at police at maging sa kaligtasan ng liga sa mga lalawigan.
“Bibigyan ang PBA ng ambulance sa mga out-of-town games at magsasagawa ng PBA clinic sa mga lalawigan at hikayatin ang mga kabataan na mas mahirati sa basketball at mailayo sa masamang bisyo at drugs. As we all know PBA players are role model ng mga kabataan. This is a give and take affair,” sabi ni Marcial. (Clyde Mariano)