ni Clyde Mariano @Sports | Nov. 2, 2024
Photo: Rondae Hollis-Jefferson at Justin Brownlee - PBA PH
Siniguro ni coach Tim Cone na hindi ma-sweep ng Talk ’N Text ang final playoff at matapos matalo sa unang dalawang laro ay binawian ng Barangay Ginebra Kings ang Tropang Giga, 85-73, sa Game 3 ng PBA 49th Season Governor’s Cup araw ng All Saints Day sa harap ng partisan crowd sa Smart Araneta Coliseum.
Sumandal ang Kings sa 13-2 attack sa pinagsanib puwersa nina Justin Brownlee, Scottie Thompson at Maverick Ahanmisi sa huling apat na minuto at iposte ang impresibong panalo at biglang nabuhay at lumakas ang hangarin ng Barangay Ginebra na mabawi ang koronang naagaw sa kanila ng TNT noong nakaraang taon.
Umiskor si Brownlee ng team high 18 points on 8 of 25 sa field at humablot ng 13 rebounds at apat na assists sa Ginebra na gumawa 33 of 66 sa field goal, limang tres sa 16 tries, 46 rebounds, 21 assists at 9 steals.
Nag-ambag si Ahanmisi ng 16, Thompson ng 15 at sina Stephen Jeffrey Holt at Japeth Aguilar ay tig-10 points. T
inanghal si Thompson bilang best player of the game sa kanyang magandang nilaro sa second half.
“I reminded my players to play their best out there if they want to continue playing and have the chance to regain the crown,” sabi ni Cone.
Naglaro na parang sugatang tigre, matapang na lumaban ang "never-say-die” spirit at kumpletong nanaig sa biglang nanlamig na Tropang Giga at pigilin ang mga bata ni coach Chot Reyes sa pangatlong sunod na beses na panalo na maalalang tinalo ang Ginebra sa 4-2 sa playoffs ng 2023 season.
Lamang ng 59-52 sa third period, na outgunned ng Ginebra ang TNT sa fourth period. Nalimita ni Ahanmisi si Rondae Hollis-Jefferson sa bisa ng solidong depensa sa fourth period. Maagang umarangkada ang Ginebra at lumamang sa 40-33 on the way 42-39 halftime lead nang umiskor sina Brownlee at Ahanmisi ng tig-eight points.
Lamang ang Barangay Ginebra 71-67, sa tres ni Brownlee matapos umiskor si RHJ sa gitna ng fourth quarter. Agad tumawag si coach Chot para ikasa ang kanyang strategy. Subalit ang kanyang plano ay hindi umubra at lumaki ang lamang ng Ginebra tungo sa impresibong panalo.
Sabay-sabay sumisigaw ang mga supporters ng “Ginebra, Ginebra!” tuwing makaka-shoot ang Kings. Muling maghaharap ang TNT at Ginebra sa Game 4 Sunday, November 3 sa Big Dome.