top of page
Search
  • BULGAR
  • May 11, 2022

ni Zel Fernandez | May 11, 2022



Namaalam na ang sikat na celebrity make-up artist at stylist na si Fanny Serrano sa edad na 72.


Batay sa blog post ng Pageanthology 101 nitong umaga ng Mayo 11, 2022, “The whole Philippine fashion and pageant community mourns by the sudden demise of renowned make up artist, designer and actor FELIX MARIANO FAUSTO JR or popularly known as Tita Fanny Serrano. Rest in Power.”


Noong Setyembre 2016, lumabas ang balita na inatake ng stroke si Tita Fanny at isinugod sa Quezon City's Philippine Heart Center. Doon ay itinuring umano nito na milagro ang kanyang naging paggaling.


Kalaunan, napabalita rin na naka-life support umano si Tita Fanny, ngunit patuloy din ang naging medikasyon na nagpabuti sa kalusugan at lagay nito.


Matatandaan naman na noong 2021, sa kanyang IG post ay emosyonal na humingi ng panalangin si Megastar Sharon Cuneta para sa paggaling ng malapit nitong kaibigan na dumanas umano ng “massive stroke”.


Gayunman, wala pang inilabas na pahayag ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng sikat na makeup artist sa sanhi ng pagkamatay nito.


Mula sa pamunuan ng pahayagang BULGAR, kami po ay nakikiramay sa mga naulila ni Fanny Serrano. Rest in peace, Tita Fanny.


 
 

ni Lolet Abania | June 24, 2021



Naglabas na ng opisyal na pahayag ang mga kapatid ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III hinggil sa dahilan ng kanyang pagpanaw ngayong Huwebes.


Sa binasang pahayag ni Pinky Aquino-Abellada, renal disease o sakit sa bato, secondary to diabetes, ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw habang natutulog ngayong alas-6:30 nang umaga sa kanilang bahay sa Times Street, Quezon City.


Kasabay nito, pinasalamatan din ng pamilya ang lahat ng Pilipinong naghalal kay PNoy sa House of Representatives, sa Senado at bilang pangulo nu'ng taong 2010. “Mission accomplished ka, Noy. Be happy now with Dad and Mom,” ani Pinky na naging tagapagsalita ng pamilya.


“We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother. We’ll miss you forever,” dagdag ni Pinky. Si Aquino ang nag-iisang anak na lalaki ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at ng itinuturing na icon of democracy na si dating Presidente Corazon Aquino.


Sa pahayag ni Pinky, inalala ng magkakapatid kung gaano kasakit sa kanilang kalooban na makita si PNoy na isang napakapribadong tao ang piniling manatiling tahimik sa kabila ng mga akusasyon at kritisismo na ibinabato sa kanya matapos ang termino bilang pangulo.


“Natatak sa aming mga magkakapatid na noong sinabihan namin siyang magsalita at labanan ang mga maling haka-haka, simple ang isinagot niya — kaya pa niyang matulog sa gabi,” saad ni Pinky.


Matapang umano na hinarap ng kanyang kapatid ang lahat ng alegasyon laban sa kanya sa Sandiganbayan, sa Senado at maging sa House of Representatives.


Matatandaang noong November, 2017, naghain ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng criminal complaint laban kay Aquino hinggil sa Mamasapano encounter.


Dumalo rin siya sa isang Senate inquiry tungkol sa isyu ng Dengvaxia noong December ng pareho ring taon. Noong 2018, dumalo naman si PNoy sa inquiry ng House of Representatives hinggil sa dengue vaccine.


“Because when you enter public service, when you serve with honesty and dignity, and you know you have committed no crimes against the people, hindi ka matatakot magsabi nang totoo,” sabi pa ng magkakapatid na Aquino.


Ang mga labi ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay dadalhin sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.


 
 

ni Lolet Abania | June 23, 2021



Pumanaw na ang komedyante at TV host na si Carmelito M. Reyes o mas kilala sa tawag na Shalala sa edad na 61 ngayong Miyerkules ng umaga, matapos ang pakikipaglaban nito sa sakit na pulmonary tuberculosis, ayon sa kapatid na si Anthony Reyes.


“Napapaiyak po ako, sandali,” ani Anthony bago nagbigay ng ibang detalye sa huling sandali ng kapatid. Si Shalala ay na-confine sa National Kidney Institute noong nakaraang linggo at lumabas din matapos na bumuti ang kondisyon.


Subalit kahapon, Martes, isinugod si Shalala sa Fe Del Mundo Medical Center sa Banawe, Quezon City. Sa Instagram ngayong Miyerkules ng umaga, ang best friend ni Shalala na si Marivic Nieto ay nag-post ng mga larawan kung saan nasa Intensive Care Unit (ICU) ng ospital na ang komedyante, habang humihingi ng tulong at panalangin.


Sinabi naman ni Nieto na si Shalala ay negatibo sa test sa COVID-19. Nakilala sa entertainment industry ang komedyante bilang "Shalala," na ibinigay na pangalan ng yumaong starmaker na si German “Kuya Germs” Moreno. Nagbigay ng kasiyahan at katatawanan sa mga audience sa maraming taon si Shalala sa mga TV programs kabilang na ang "Walang Tulugan with the Master Showman" at "Tweet Biz," na naging sikat dahil sa kanyang iconic "blind item" segments.


Lumabas din siya sa mga pelikulang “Ang Darling Kong Aswang” (2009), “Agimat at Enteng Kabisote” (2010), “My House Husband: Ikaw Na” (2011), at “Echoserang Frog” (2014).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page