top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 7, 2021



Nagbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kumakalat na email na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe ng lungsod.


Nakasaad sa nasabing email na magkakaroon umano ng distribusyon ng food packs para sa mga empleyado ng kanilang city hall.


Ayon sa alkalde, walang katotohanan ang nilalaman ng nasabing email.


Ipinaliwanag din na ibang email address ang ginamit sa nasabing pagpapakalat at hindi ang official email address ng kanilang lungsod.


Pati ang Pasig Branding o logo ay iba ang ginamit at ang ilang salita ay mali ang pagkakasulat kaya’t malinaw daw na ito ay gawa-gawa lamang ng mga gustong makasira sa imahe ng alkalde.


Nanawagan naman si Mayor Vico na agad makipag-ugnayan sa kanilang opisina sakaling makatanggap ng scam email.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 23, 2021



Isinara ang ilang bahagi ng Topaz Road, Bgy. San Antonio sa Ortigas District, Pasig City dahil sa tumambad na mga bitak sa kalsada noong Linggo.


Saad ng lokal na pamahalaan ng Bgy. San Antonio, “Bilang initial preventive measure, ating isinara ang Topaz Road at tinakpan ang lahat ng mga bitak upang hindi mapasukan ng tubig.


“Tayo’y naglagay ng caution lines at nag-deploy ng Barangay San Antonio Security Force upang siguradong mabantayan ang lugar.”


Magsasagawa na rin umano ng imbestigasyon at assessment sa insidente ang LGU, Pasig City Engineering Department, Pasig City DRRMO, utility providers, construction company, at mga building administrators.


Ayon pa sa LGU, “Nakipag-ugnayan na rin ang ating pamahalaang lungsod sa Civil Defense PH at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST).”

 
 

ni Lolet Abania | August 13, 2021



Nasa 41 katao ang hinuli ng LGU ng Pasig City habang ipinasara ang isang events place matapos na magsagawa ng birthday party sa kabila ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.


Sa isang Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Biyernes, sinabi nitong inatasan na ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod ang pagpapasara sa nabanggit na lugar na matatagpuan sa Axis Road sa Bgy.


Kalawaan. Ayon kay Sotto, nakatanggap ang mga awtoridad ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa naganap na party, kung saan hindi ito makikita mula sa main road dahil sa tagong lugar.


“Ang titigas ng ulo!” caption ni Sotto. “Kung gusto nating bumalik sa mas normal na pamumuhay, sumunod po tayo sa health protocols. Tandaan – #ECQ pa ngayon,” dagdag ng mayor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page