top of page
Search

ni Lolet Abania | May 15, 2022



Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Pasig City ngayong Linggo ng umaga.


Batay sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-10:29 ng umaga sa kahabaan ng Baltazar St., Barangay Pinagbuhatan at umabot sa ikatlong alarma ng alas-10:54 ng umaga.


Alas-11:05 ng umaga idineklara ng BFP na under control ang sunog, habang tuluyang naapula ang apoy o fire out ng alas-11:48 ng umaga.


Isang senior citizen naman ang naiulat na bahagyang nasaktan sa insidente. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naging sanhi habang inaalam na rin ang halaga ng pinsala matapos ang sunog.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022



Bukas ang Pasig City sa campaign activities ng lahat ng kandidato, national man o local, ayon kay Mayor Vico Sotto.


“As I’ve said before, Pasig is open for campaign activities of all candidates, national and local,” ani Sotto sa isang Facebook post.


Nag-post si Sotto matapos mapag-alamang mayroong kumakalat na isyu online na hindi umano siya nagbigay ng permit sa kampanya ng kandidato.


“May mga gumawa ng kwento na hindi daw ako nagbigay ng permit, pero meron naman talaga. (Mukhang HINDI sa nasyonal nagmula ang kwento kundi dito lang sa lokal. Sana honest mistake lang.)”, paliwanag nito.


Ayon kay Sotto, awtomatiko ang approval ng permits ng city administrator “as long as the venue is allowed and it is properly coordinated for safety/security reasons.”


“KARAPATAN po ito ng mga kandidato at maganda rin pong nakikita at napakikinggan sila ng mamayang pasigueño”, ayon pa rito.


Naglabas ng pahayag si Sotto kasama ang larawan ng sulat mula sa city administrator kung saan makikitang nag-release ng permit ang Pasig para sa campaign rally ni former Sen. Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 20, 2022



Pirmado na ni Pasic City Mayor Vico Sotto ang kontrata ng 227 health workers under “emergency hiring” bilang tugon sa mga ospital na nangangailangan ng staff dahil kailangang mag-quarantine ng ilang personnel.


Ibinahagi ni Sotto, na kasalukuyang naka-isolate ngayon matapos magpositibo sa COVID-19, ang balitang ito sa kanyang Facebook account nitong Miyerkules kabilang ang iba pang update hinggil sa ginanap na virtual meeting kasama ang mga city officials ng Pasig.


“Personnel concerns (quarantine) are still a challenge. Yesterday I signed the contracts (COS [contract of service]/emergency hiring) of 28 GPs (general practitioners), 61 nurses, and 138 others (medical specialists, nursing attendants, PTs [physical therapists], etc.),” pahayag ng alkalde sa kanyang post.


“Cases still projected to go up. Additional contact tracers now working; now at 690; more expected to arrive,” dagdag niya.


Ayon kay Sotto, ang death rate sa Pasig sa kasagsagan ng kasalukuyang surge ng COVID-19 ay mas mababa kumpara sa mga naitalang pagkasawi noong kasagsagan ng surge ng Delta variant.


Ibinahagi rin ng alkalde na nagdagdag pa ng 2 vaccination sites habang nakatakda ring magbukas ang isang private-run vaccination site.


Ongoing ang pagpaparehistro para makapagpabakuna via PasigPass kabilang ang mga menor de edad. Ayon sa alkalde, naghihintay pa sila ng guidelines mula sa Department of Health (DOH) para sa vaccination ng mga batang edad 5-11.


Samantala, walang tugon si Sotto sa video statement ni Pasig Vice Mayor Iyo Bernardo hinggil sa paratang nito na “puro palabas” lamang ang kanyang panunungkulan sa lungsod.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page