ni Zel Fernandez | April 25, 2022
Pasok sa Batch 2 ng Special Program of the Employment of Students (SPES) ang mahigit 300 out of school youth na magsisimula na sa kanilang trabaho sa Pasig City Hall.
Isang orientation na ginanap kaninang umaga, sa pangunguna ng Pasig Employment Service Office (PESO), ang inihanda bilang pagsalubong para sa may 320 kabataan na benepisyaryo ng SPES program sa lungsod.
Kaugnay nito, sa ilalim ng naturang programa ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga out of school youth na makapagtrabaho sa City Hall nang isang buwan na magtatagal hanggang Mayo 23, 2022.
Samantala, nitong nakaraang Marso ay nauna na ring i-deploy ang Batch 1 ng SPES na binubuo naman ng aabot sa 500 kabataan.
Pagtitiyak ng lokal na pamahalaan, patuloy nitong gagamitin ang mga natitirang SPES applications kapag nagkaroon muli ng panibagong batch ngayong taon.