ni Lolet Abania | April 22, 2021
Timbog ang 32 dayuhan na nagtatrabaho umano sa isang illegal gambling company sa Pasay City.
Huli sa akto ng Bureau of Immigration (BI) ang 32 Korean, Chinese at Indonesian habang subsob ang mga ito sa kanila umanong online pasugalan.
Nabatid na walang mga working visa at pawang mga tourist visa lamang ang gamit ng mga naarestong dayuhan.
“Nakita po that there is illegal live studio gambling. Meron pong mga table talaga kung saan may gambling na nagaganap. Nagkaroon ng ilang araw na surveillance at noong na-determine na totoong merong mga illegal aliens na nagtatrabaho sa opisinang ito, nag-issue si Commissioner (Jaime) Morente ng isang mission order para ma-implement ang arrest sa mga illegal aliens,” ani BI Spokesperson Dana Sandoval.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung kailan pumasok sa bansa ang mga nahuling dayuhan.