top of page
Search

ni Lolet Abania | July 3, 2022



Sumiklab ang sunog sa isang hotel sa Pasay City ngayong Linggo ng umaga, ayon Bureau of Fire Protection (BFP).


Batay sa isang report mula sa BFP-National Capital Region Public Information Office, nagsimula ang sunog sa kusina ng Sofitel Philippine Plaza Manila. Alas-11:37 ng umaga, itinaas sa unang alarma ang sunog.


Gayunman, idineklara ng BFP na under control ang sunog ng alas-12:01 ng tanghali habang fire out ng alas-12:09 ng tanghali.


Sa ngayon, wala nang iba pang ibinigay na detalye ang mga awtoridad. Patuloy namang inaalam ng BFP ang naging sanhi at pinagmulan ng sunog.Hotel sa Pasay City, nasunog Sumiklab ang sunog sa isang hotel sa Pasay City ngayong Linggo ng umaga, ayon Bureau of Fire Protection (BFP).


Batay sa isang report mula sa BFP-National Capital Region Public Information Office, nagsimula ang sunog sa kusina ng Sofitel Philippine Plaza Manila. Alas-11:37 ng umaga, itinaas sa unang alarma ang sunog.


Gayunman, idineklara ng BFP na under control ang sunog ng alas-12:01 ng tanghali habang fire out ng alas-12:09 ng tanghali. Sa ngayon, wala nang iba pang ibinigay na detalye ang mga awtoridad. Patuloy namang inaalam ng BFP ang naging sanhi at pinagmulan ng sunog.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 3, 2022



Sa ikalawang pagkakataon ay nagpositibo muli sa COVID-19 si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ayon sa public information office (PIO) ng lungsod.


Sa anunsiyo ng Pasay Public Information Office (PIO) ngayong araw ng Linggo, sumailalim sa COVID test ang alkalde matapos makaranas ng pananakit ng lalamunan o sore throat nitong Sabado.


Sa ngayon ay naka-isolate ang alkalde sa isang health facility, kung saan itutuloy pa rin umano nito ang kanyang mga trabaho.


Unang nagkaroon ng COVID si Rubiano noong Pebrero 2021.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 5, 2021



Ipinasara ang isang KTV bar sa Pasay City at inaresto ang floor manager nito matapos mahuling patuloy ang operasyon na labag sa COVID-19 guidelines.


Walang naabutang mga customer sa loob ng KTV bar nang puntahan ng mga taga-station intelligence section ng Pasay police Linggo ng madaling-araw.


Matatagpuan sa loob ng isang shopping center sa Macapagal Boulevard ang KTV bar at ang mga kliyente ay kadalasang foreigners.


Ayon kay Pasay City chief of police Col. Cesar Paday-os, nakatanggap sila ng impormasyon na tumatanggap pa rin ng customers ang KTV bar.


Ipinagbabawal ng IATF sa ilalim ng GCQ Alert Level 4 ang pagbubukas ng mga bar at nightclub.


Tiniketan ang 5 service crew at waiter para sa paglabag sa ordinansa sa social distancing at curfew habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang 29-anyos na floor manager ng bar.


Mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.


Ipinasara na rin ang bar hangga’t patuloy na umiiral ang pagbabawal sa mga katulad nitong establisimyento.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page