ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 14, 2023
Nakatakda ang Public Attorney’s Office (PAO) na magsagawa ng autopsy sa isa pang nabakunahan ng Dengvaxia, ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta ngayong Huwebes.
“Meron pa pong autopsy sa next week,” pahayag ni Acosta sa isang pulong ngayong Huwebes kasama ang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Hindi tinukoy ni Acosta ang yumao ngunit ipinahayag niyang nakalulungkot na maaaring hindi ito ang huling biktima ng Dengvaxia.
Binanggit ni Acosta ang mga pahayag ni Dr. Mary Ann Lansang sa mga pagdinig sa Senado ukol sa Dengvaxia, kung saan sinabi niyang "hanggang 30 years ang epekto nito."
Ipinangako naman ni Acosta na magpapatuloy ang PAO sa pagbibigay ng legal na tulong sa mga biktima ng Dengvaxia at kanilang pamilya.