top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 25, 2022



Inihayag ni Senator Panfilo Lacson ngayong Biyernes na ang dahilan sa pagsuporta ng Partido Reporma sa ibang presidential candidate ay hindi dahil sa survey ratings kundi dahil hindi siya nakapagbigay ng P800 million para sa campaign funds ng local candidates ng partido.


"If pre-election surveys was his primary reason for switching his support, I don't believe it because like me, Mayor Isko [Moreno], and Sen. [Manny] Pacquiao, his newly chosen candidate is also lagging far behind the survey leader," ani Lacson sa isang Viber message sa mga reporters, kung saan tinutukoy nito si Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez, pangulo ng Partido Reporma.


"Time to call a spade a spade. It was actually more about the issue of campaign expenses for their local candidates. His chief of staff was asking for 800 million pesos in additional funding which I honestly told him I cannot produce."


“As I said yesterday, I harbor no ill-feelings for what he did. It is better that we both stop talking about this but if he insists to explain his action, I’ll be prompted to respond to correct his statements,” paliwanag pa ni Lacson.


Ang desisyong ito ng Partido Reporma ay nagtulak kay Lacson para magbitiw bilang chairman at member ng partido.


"It is better that he both stop talking about this but if he insists to explain his action, I'll be prompted to respond to correct his statements," aniya pa.


Samantala, sinagot naman ni Alvarez ang pahayag ni Lacson:


"That's not true. I never asked funding requirements from him for our local candidates," pahayag ni Alvarez sa GMA News Online sa isang text message.


"We can very well fund our own candidates."


Ayon pa kay Alvarez, posibleng ang tinutukoy ni Lacson ay ang funding requirements para sa poll watchers ng Partido Reporma sa araw ng eleksiyon.

 
 

ni Lolet Abania | March 24, 2022



Ipinahayag ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez na ang Partido Reporma, na siyang pangulo nito, ay kanilang iniendorso na ngayon si presidential candidate Vice President Leni Robredo para sa May 2022 elections.


Ito ang inanunsiyo ni Alvarez matapos na si Senador Panfilo Lacson, na tatakbo rin sa pagka-pangulo, ay nag-resign bilang miyembro at chairman ng Partido Reporma, kung saan aniya, napagdesisyunan ng partido na suportahan ang isa pang presidential candidate.


“Our ground leaders have expressed their wish to participate in that brave calling. And that is why, a hard choice must be made. With a heavy heart, many members of Partido Reporma are constrained to consider a candidate other than their first choice,” sabi ni Alvarez sa isang statement ngayong Huwebes.


“We need a leader. And for the 2022 Presidential elections, given all these considerations and the crisis we have to overcome, that leader is a woman. Her name is Leni Robredo,” ani pa Alvarez.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022



Nagbitiw na bilang chairman at member ng Partido Reporma si Senator Panfilo "Ping" Lacson ngayong Huwebes at ipagpapatuloy na lamang umano ang kanyang presidential bid bilang independent candidate.


Sa ginanap na press conference, sinabi ni Lacson na nagdesisyong sumuporta sa ibang presidential candidate para sa 2022 elections sina party president Pantaleon Alvarez at party secretary general Edwin Jubahib.


"Today, I officially announce my resignation as chairman and member of Partido ng Demokratikong Reporma, which effectively makes me an independent candidate for the presidency in the upcoming May 2022 elections," pahayag ni Lacson.


"Considering that it is at the behest of these top-tier officials that I was recruited as a member and the party’s standard-bearer and thereafter elected as its chairman, I believe it is only decent and proper — consistent with my time-honored uncompromising principles — to make this decision."


Nang tanungin kung sinong presidential candidate ang piniling suportahan ng Reporma, sinabi ni Lacson na mas Mabuti kung hintayin na lamang ang anunsiyo ng partido.


Sinabi rin ng presidential candidate na wala siyang “ill feelings” kina Alvarez at Jubahib.


"To Partido Reporma President, former Speaker Alvarez, Secretary-General/Davao del Norte Governor Edwin Jubahib — and the rest of the Davao del Norte Reporma candidates — let me tell you this: I harbor no ill-feelings towards you and anyone who may hereafter opt to join them in their new choice of a presidential candidate," aniya.


Hindi rin umano niya iiwan ang mga sumama sa Reporma dahil sa kanyang adbokasiya na labanan ang korapsiyon


“I am not leaving you behind. I assure you that I will be your leader and supporter in our shared convictions and aspirations. Magkakasama pa rin tayo sa laban na ito. Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi, tuloy ang laban hanggang sa dulo!" patuloy niya.


Ngayon na tumatakbo siya sa pagkapangulo nang walang Partido, sinabi ni Lacson na siya ay "more relieved than disappointed," dahil sanay daw siyang magtrabaho independently.


Nanumpa si Lacson bilang chairman ng Partido Reporma noong July 29, 2021, kung saan ang kanyang mga adbokasiya ay — people’s sovereignty and democracy, decentralization and devolution of powers — na siyang aligned sa adbokasiya ng partido.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page