top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 26, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinagawa ko ang bahay ko malapit sa military camp, subalit may bigla akong narinig na tunog ng trumpeta, nang tingnan ko kung saan nagmula ang tunog, nakita ko ‘yung kaibigan ko pala at tinry niya lang umano hipan ang trumpeta.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Ronald


 

Sa iyo, Ronald,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pinagawa mo ang bahay mo malapit sa military camp ay susuwertehin na ang negosyo mo. Babalik na sa iyo ang puhunang inilabas mo at tuluy-tuloy ka na kikita ng malaki.


Pero kung namamasukan ka, ito ay nagpapahiwatig na tataas na ang iyong suweldo, at may chance ka pang suwertehin sa pag-ibig.


Ang narinig mo ang tunog ng trumpeta ay nangangahulugang makakaaway mo ang kaibigan mo, hanggang sa ipahiya ka niya sa harap ng maraming tao.


Ang hinipan ng kaibigan mo ang trumpeta ay senyales na magiging matagumpay ang pakikipagrelasyon mo sa iyong minamahal at magtatagumpay ka pa sa negosyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna








 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 24, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni James ng Roxas City.


Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin ng horse at horseshoe sa panaginip?

Naghihintay,

James


 

Sa iyo, James,


Kung sa panaginip mo ay nakasakay ka sa puting kabayo, ang ibig sabihin nito ay malapit ka nang ikasal. Puwede rin namang isa sa mga kaibigan mo ay malapit nang ikasal.


Kung sa panaginip mo ay nalaglag ka sa kabayo ito ay senyales na makakaranas ka ng mga hindi kanais-nais na mga pangyayari.


Samantala, ang horseshoe ay nangangahulugan ng pagbabago sa takbo ng negosyo. Hindi sa lahat ng oras ay malaki ang kita, dahil minsan ay sadyang mahina talaga ang pasok ng pera. Ito rin ay nagpapahiwatig na posibleng mabaliktad ang takbo ng kabuhayan mo. Mula sa pagiging mayaman, may posibilidad na maghirap ka.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 23, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rod ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin ng kape, cheese at bacon sa panaginip?

Naghihintay,

Rod


 

Sa iyo, Rod,


Kung sa panaginip mo ay umiinom ka ng kape, ito ay nangangahulugan na magiging maligaya ka sa susunod na mga araw. Subalit kung ibang tao ang nakita mo sa iyong panaginip na umiinom ng kape ito ay nagpapahiwatig na ang inaasam mong kaligayahan ay mauudlot, lalo na kung hindi ka mag-iingat sa iyong mga desisyon.


Samantala, ang cheese ay tanda na hindi tapat ang pag-ibig sa iyo ng iyong karelasyon, at hindi mo siya dapat pagkatiwalaan. 


Ang bacon ay nagpapahiwatig ng kalungkutan dahil sa sigalot na mamamagitan sa inyo ng iyong pamilya. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 
RECOMMENDED
bottom of page