top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 31, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Quezon City.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang mga ibon at kawan ng hayop.

Ano ang ibig ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Lourdes


 

Sa iyo, Lourdes,


Marami ang ibig ipahiwatig ng ibon. Kadalasan, ito ay kabaligtaran ng sitwasyong dinaranas mo sa kasalukuyan.


Sa kabilang dako, kung ang ibon sa panaginip mo ay nagkikislapan ang mga pakpak at may magandang kulay, ito ay nagpapahiwatig na makakatanggap ka ng award d’yan sa lugar ninyo.


Samantala, ang kawan ng mga hayop ay senyales na nag-aalala ka sa mga bagay na pinagkakaabalahan mo ngayon at marami kang kakaharaping problema na hindi mo alam kung paano lulutasin.


Subalit kung may dyowa ka na, pagkaingatan mo siya dahil may magtatangkang agawin siya sa iyo. Talasan mo ang iyong pakiramdam, at maging mapagmasid ka sa iyong paligid.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de luna





 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 29, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romeo ng Davao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko ang libro at kalansay. Ano ang ibig sabihin nu’n?

Naghihintay,

Romeo


 

Sa iyo, Romeo,


Iba’t iba ang kahulugan ng libro sa panaginip. Kung nagbabasa ka ng libro, ito ay nangangahulugang sisikat at kikilalanin ka. Isa pa, makakatanggap ka rin ng maraming karangalan. 


Kung sa panaginip mo ay may nagbigay sa iyo ng libro, ito ay nagpapahiwatig na ngayon mo na dapat ligawan ang babaeng iyong iniibig. Huwag kang mag-alala, dahil tiyak kong magugustuhan ka rin niya, hanggang sa mauwi sa pag-iisang dibdib ang inyong relasyon.


Pero kung ang libro naman sa panaginip mo ay nasa bookshelves ito ay senyales na liligaya ka sa darating na mga araw.


Samantala, ang mga kalansay ay indikasyon na isa ka sa magiging tagapagmana ng mga yumao mong mahal sa buhay. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 28, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Marinduque.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namamalimos ako sa harap ng simbahan. 

Marami ang nagbigay ng pera sa akin, pero ‘yung katabi kong pulubi ay kakaunti lang. 

Kaya naman napagdesisyunan kong hatian siya sa perang kinita ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dexter 


 

Sa iyo, Dexter,


Ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na namamalimos ka sa harap ng simbahan ay hindi ka na muli pang makakaranas ng kahirapan at hindi ka na muli pang kakapusin sa pera.  


Samantala, ang hinatian mo ang katabi mong pulubi ay senyales na ang tapat mo pang kaibigan ang mismong magtatraydor sa iyo. Pababagsakin ka niya, subalit hindi siya magtatagumpay sa masama niyang binabalak laban sa iyo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 
RECOMMENDED
bottom of page