top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 25, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Reden ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nalasing ako at dinig na dinig ko ang malakas na tunog ng drum. Kasabay nu’n ay lumindol ng malakas pero agad din naman itong huminto at nakakita rin akong agila sa langit.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Reden


 

Sa iyo, Reden,


Ang ibig sabihin ng nalasing ka ay malalagay ka sa kahihiyan dahil sa iyong kapabayaan at hindi magandang ugali o asal. 


Ang lumindol ng malakas pero agad din naman itong tumigil ay nagpapahiwatig na kailangan magkaroon ka ng tamang desisyon sa isang bagay na binabalak mong ipatupad.


Samantala, ang may nakita kang agila sa langit ay senyales na uunlad ang kasalukuyan mong pinagkakakitaan, basta maging masipag ka lang at huwag maniniwala agad sa mga scammer.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna








 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 23, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dondon ng Quiapo.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakatanikala ang kamay namin ng kaibigan ko. Kaya naman, agad akong gumawa ng paraan para matanggal ‘yung tanikala ko. 


Pagkatapos ko, tinulungan ko naman ‘yung kaibigan ko. Sa awa ng Diyos, natanggal ko rin naman ‘yung sa kanya. 


Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dondon


 

Sa iyo, Dondon,


Ang ibig sabihin ng nakatanikala ang kamay mo at pilit mo itong tinatanggal ay pansamantala kang makakaranas ng mga kabiguan sa buhay, pero ‘wag kang nag-alala dahil malalampasan mo rin ito. 


Samantala, ang tinanggal mo rin ang tanikala ng kaibigan ay nangangahulugang makakaranas ka ng matinding pagkalugi sa negosyo. Matatagalan pa bago ka muling makabawi. Pero sa bandang huli, makakaraos ka rin naman sa tulong ng iyong kaibigan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 20, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry ng Pasay.


Dear Maestra,


Palagi kong napapanaginipan na binibigyan ako ng mga alahas ng dyowa ko at madalas din akong magselos sa kanya. 


Ano ang ibig ipahiwatig ng mga panaginip ko?

Naghihintay,Lorry


 

Sa iyo, Lorry,


Maganda ang ibig sabihin ng mga alahas, lalo na kung ito ay binigay sa iyo ng dyowa mo, ito ay nangangahulugang mahal na mahal ka niya at nagbabalak na siyang pakasalan ka sa lalong madaling panahon.


Ang madalas kang magselos sa dyowa mo ay tanda ng pag-aalala at pagkabalisa. Kung may negosyo ka, ito ay babala ng pagkalugi, kakapusin ka sa pera at mapipilitan kang mag-loan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 
RECOMMENDED
bottom of page